Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/02/2018

244

Dingdong Dantes

Kaarawan: Agosto 2, 1980

Mapagpasensya ang mga lalaking Leo, pero kapag nagalit, ihanda ang sarili mo sa tindi ng galit nito. Mada­ling kausap at mara­ming kuwento. Isang bagay na dapat ingatan sa kanila ang pagtatago ng isang sikreto dahil hindi nila kayang magtago nito.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang bagong kakilala ang gumugulo sa isipan. Mahirap kontrahin ang tibok ng puso. Pagbig­yan ang sarili dahil malaki ang potensyal na ito ang makatuluyan mo sa hinaharap. Lucky color: Gray, lucky number: 55.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mahirap hatiin ang katawan sa pamilya at trabaho. ­Dahil gusto kang makasama ng lahat, ikaw na ang pumili ng sasamahan. Oras na para ipahinga ang isip. Gumawa ng bagay na makakapagparelaks sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 11.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag ibuhos ang lahat ng oras sa trabaho. Paglaanan din ng panahon ang paglilibang. Kailangan ito ng isip mo para ganap na makapag-recharge. Lucky color: Brown, lucky number: 3.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Huwag masyadong patangay sa pantasya. ­Kailangan mong maging realistic para hindi mapag-­iwanan. Matutong rumespeto ng taong may mataas na katungkulan sa iyo. Lucky color: ­Yellow, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May ­pagka-intense ang araw na ito. Pero hindi ­naman kailangang mawalan ng oras sa sarili. ­Maging handa sa anumang sitwasyon. Pangatawanan ang tamang katwiran. Lucky color: Silver, lucky number: 18.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maging praktikal ngayon lalo’t malaki ang kagustuhang matapos nang maaga ang trabaho. Hindi masamang pagbigyan ang sarili. ­Huwag nang itago ang pagtatangi sa isang kasama. Lucky color: Yellow, lucky number: 50.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pag-aralang mabuti ang plano. Huwag sa­yangin ang magandang tsansa. May mga kapalpakang posibleng mangyari kung hindi magpopokus. Aminin ang pagkakamali. Lucky color: White, lucky number: 49.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Nasa aksyon ang susi sa araw na ito. Magi­ging matalim din ang opinyon ng ilang tao sa ­paligid mo at posibleng pagmulan ito ng hindi pagkakaunawan. Maging kalmado sa pakikipag-­usap. Lucky color: Green, lucky number: 2.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May tensyon sa paligid at maa­aring nagmumula ito sa away sa isang kaibigan. ­Piliing maging positibo at ‘wag munang patulan ang negativity. May isang tao na laging naka­tingin. Batiin ito at ngitian. Lucky color: Brown, Lucky number: 14.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Walang lihim na hindi nabubunyag. Piliing maging tapat kaysa mag-isip ng panibagong pagtatakip. Lakasan ang loob. Kaya mo itong lagpasan. Lucky color: Violet, lucky number: 47.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hawak mo na ang mga kailangan mong impormasyon. Kung kailangan, puwedeng i-double check ang pinanggalingan nito. Ituloy na ang matagal nang napagplanuhan. Lucky color: White, lucky number: 17.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Habaan pa ang pasensya sa mga taong nasa paligid mo kasama na rito ang iyong mahal at malalapit na kaibigan. Hindi ka lamang nila ­ganap na nauunawaan. Huwag ipagpilitan ang isang maling gawain. Lucky color: Maroon, lucky number: 8.