Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/03/19

234

PHIL YOUNGHUSBAND
Kaarawan: Agosto 4, 1987

Magaling na lider at may malakas ang karisma kaya’t palaging nilalapitan saan man magpunta. Sa isang team o koponan, masaya siyang makatrabaho ang ibang mga kasama. Madalas na siya ang key player dahil sa malakas na motibasyon na nagdadala sa tagumpay kasama ng kanyang mga kagrupo.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Tapos na ang mga aberya sa iyong ginagawa. May gustong kumokontra pero hindi magwawagi, inakamainam na mag-move on at magpokus sa mga positibo. Lucky color: Brown, lucky number: 15.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Tiwala ang kailangan mong pairalin. Nagawa mo na ang iyong best effort, wala kang dapat ikatakot. May magandang ibubunga ang mga paghihirap. Papapangiti sa taong biglang lalapit at makikipag-usap sa iyo. Lucky color: Red, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi mo kailangan ang isang tao na magpapabigat lamang ng buhay mo. Kung hindi umubra ang isang pangyayari, huwag mo na itong ulit-ulitin sa isip mo. Move on dahil may bagong oportunidad na mabubuksan. Lucky color: Yellow, lucky number: 32.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Wala nang silbi pang sisihin ang sarili. May dahilan kaya hindi nangyari ang isang bagay. Mas madali kang makakagawa ng desisyon dahil sa nararamdaman. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi lahat ay pumapabor sa iyo. May ilang nakakadismayang pangyayari at kasama rito ang usapin sa pera. Kung hindi mo makontrol ang galit, lumayo muna sa mga tao. Mas bibigat ang dinadala kung maraming taong masasaktan. . Lucky color: Green, lucky number: 19.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maari kang magising sa isang panaginip. Maraming gumugulo sa isip. Huwag itong kimkimin. Mas mabuting i-share ito sa isang taong pinagkakatiwalaan. Lucky color: Maroon, lucky number:3.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Medyo magiging masalimuot ang mga pangyayari dahil sa panghihimasok ng ibang tao. Huwag nang iyakan pa ang isang nawala sa iyo. Tanggapin ito at mag-move on na agad . Lucky color: Gray, lucky number: 50.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Malakas ang kaway ng tukso sa araw na ito. Kung meron ka nang commitment, maaga pa’y dumistansya na. Iwasang maiwan sa kumpulan dahil dito mag-uupisa ang mga bagay na kinakatakutan mo. Lucky color: Blue, lucky number: 10.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi masamang tumanggi. Unahin mo muna ang sarili mong pangangailangan bago bigyang pansin ang ibang tao. May bagong responsibilidad na sa una lang mahirap. Kalaunan ay maging gabay mo ito sa isang malaking proyekto. Lucky color: Orange, lucky number: 38.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Nagdaratingan na ang mga bagay na dating ipinagdarasal mo lamang. Mag-enjoy sa mga nangyayari at huwag kalimutang magpasalamat pati na rin sa mga taong laging nakaalalay sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 25.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi lahat ng pinagplanuhan ay magaganap. Wag itong ikalungkot ang mga kabiguan sa buhay. Sa halip pag-aralan kung alin ang dapat baguhin sa sarili at mag-move on. Lucky color: Gold, lucky number: 22.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi malayo ang mga tensyon at hindi pagkakaunawaan kaya mag-ingat sa mga ipinakikita mong reaksyon. Maaaring iba ang maging interpretasyon ng taong kaharap mo. Lawakan pa ang pang-unawa dahil ito ang higit mong kailangan sa ngayon. Lucky color: Blue, lucky number: 11.