Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/03/19

233

HOROSCOPE
ni Madam Viel

Lani Misalucha

Kaarawan: Agosto 3, 1969
May isang salita at paninindigan. Anumang ginusto ay pagsisikapang maabot sa kabila ng mga balakid. Sensitibo at madaling masaktan kaya dapat mag-ingat sa pakikipag-usap sa kanila.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ipakita ang taglay na kakaya­han. Masyado kang independent kaya inaakala ng ibang tao na umiiiwas ka. Paborableng araw ito para sa pakikipagkaibigan o maaaring higit pa sa kaibigan. Lucky color: Blue, lucky number: 18.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi mo gusto ang mga biglaang lakad. Lahat sa iyo ay nakaplano hanggat maaari. Sa halip na kumontra, tanggapin ito at ibigay ang iyong kooperasyon para sa ikaaayos ng trabaho. Lucky color: Yellow, lucky number: 48.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Walang bagay o walang taong dapat makapigil sa iyo. Ngayon ang pagkakataon mo para makita ng lahat na marami ka pang ibubuga hindi lamang sa pisikal kundi sa kaisipan. Nasa tamang direksyon ka. Lucky co­lor: Brown, lucky number: 22.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi ka masyadong kumbisido sa ngayon. Pero darating ang araw na mauunawaan mo ang lahat ‘Wag masyadong kainipan ang mga kaganapan. Mapapatunayan mong wala kang dapat ipangamba. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

LEO (Hul­yo 23-Agosto 22) – Walang mararating kung patuloy mong itatago ang iyong emosyon. Maging honest ka sa kanila at sabihin ang mga nasa saloobin. ‘Wag ipagkait sa mga nagmamahal sa iyo ang pagkakataong matulungan ka. Lucky color: Silver, lucky number: 50.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nakakapagod ang mga araw na nagdaan. Pili­ting makapagpahi­nga kahit ng ilang araw. ‘Wag mangamba, hindi ito ibibigay sa iyo kung hindi mo kaya. Lucky color: Green, lucky number: 22.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – ‘Wag magpadala sa takot. Kaya mong gumawa kahit sa unang tingin ay hindi pangkaraniwan ang hinahanap mula sa iyo. May parating na tagumpay kung patuloy na magtitiwala sa sarili. Lucky color: Maroon, lucky number: 17.

SCORPIO (Oktub­re 23-Nobyembre 21) – Mas magiging mabilis ang takbo ng mga pangyayari. Isang taong malapit sa puso mo ang kailangan mong sagipin sa isang masalimuot na sitwasyon. Pero may good news na naghihintay. Lucky color: White, lucky number: 49.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Kaila­ngang igiit mo ang iyong authority at ang iyong karapatan. May ilang taong tila sumusukat sa iyong kakayahan. Iparamdam mo sa kanila na hindi ka apektado at hindi masisira ang iyong diskarte. Lucky color: Gold, lucky number : 33.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Mas madali sa iyo nga­yon ang makahanap ng solusyon sa dinadalang problema. Iwasan lamang na mapasobra ang paggastos dahil may kailangan kang paglaa­nan sa mga susunod na araw. Lucky color: Yellow, lucky number: 20.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May positibong pangyaya­ring magpapasaya sa iyo sa loob ng dalawang­ araw na darating. Ikaw rin ang magiging sentro ng aksyon. Kaila­ngan mong maging mas aktibo kaysa karaniwan kaya umiwas muna sa mga distraksyon. Lucky color: Green, lucky number: 19.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Alisin ang pagdududa sa sarili mo at kung nasa tamang direksyon ka. Ang susunod na araw ang magi­ging batayan at magbibigay sa iyo ng kasagutan. ‘Wag kainipan ang mga nangyayari dahil may malaking okasyon na magaganap. Lucky co­lor: Orange, lucky number: 50.