Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/04/2018

170

Phil Younghusband
(Kaarawan: Agosto 4, 1987)
Prangka at mahirap basahin kung ano ang totoong ­laman ng isip. Gusto nilang maging sweet at romantic pero hirap silang gawin ito dahil sa pride. Kailangan ng paiba-ibang approach dahil mabilis magbago ang mood sa isang iglap.

 

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Bigyan ng oras ang love and romance. Makinig sa sinasabi ng ka-partner. May kailangang ­ayusin sa loob ng relasyon kung gusto mo na magtagal ito. Lucky color: Gold, lucky number: 4.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Umupo at obserbahan ang ikinikilos ng isang kasama. Tignan ang mga tao sa paligid. Mara­ming matututunan sa bawat aksyon at pagkakamali. Lucky color: Pink, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ­Ingatan ang lovelife. May pagka-sensitive ngayon ang kasuyo. Ibahin ang approach para maiwasan ang away. Magtakda ng boundaries para hindi ka abusuhin ng mga taong mapagsamantala. Lucky color: Silver, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Maayos ang takbo ng buong araw. Good timing para lapitan ang tao na matagal nang gusto kausapin. Maging totoo sa kilos at salita. Pairalin ang disiplina sa sarili. Lucky color: Maroon, lucky number: 11.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magdahan-dahan. Kalkulahin ang bawat kilos. Mahirap nang magkamali dahil ito na ang huling baraha. Lucky color: White, lucky number: 17.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nasa peak ka ng iyong career. Mahihirapang magdesisyon sa isang bagay na ­labag sa kalooban. Huwag magpatalo sa takot. I-pursue ang mga pangarap nang walang anumang alinlangan. Lucky ­color: Brown, lucky number: 20.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Manunumbalik ang isang tao sa iyong nakaraan. Kung hindi lalayo, posibleng pagmulan ito ng gulo. Hinay lang. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili sa bagay na ayaw mo. Lucky color: Yellow, lucky number: 7.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Para kang tinamaan ng pana ni Kupido. Magiging masaya sa araw na ito. Pi­gilan ang sarili sa ­dating bisyo. Huwag sayangin ang pangalawang pagkakataon na ibinigay sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kung gusto mo ng pagbabago, umpisahan na ito nga­yon. Magpokus sa mga kailangang gawin. Huwag nang uma­ngal, sa halip ay tumulong para mapadali ang ginagawa. Lucky color: Yellow, lucky number: 15.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huminga nang malalim. Ipikit ang mga mata at mag-concentrate. Alisin ang anumang negatibo sa isip at damdamin. Huwag pahirapan ang sa­rili sa sobrang galit. Matutong magpatawad. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magtatalo ang isip mo kung alin ang dapat mong iwasan at alin ang dapat mong pagtuunan ng pansin. Kumalma muna para makapagdesisyon nang maayos. Huwag seryosohin ang isang masamang biro. Chill ka lang. Lucky color: Red, lucky number: 10.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Tanggapin ang pagkilala at papuri. Magpasa­lamat at ‘wag kalimutan ang mga taong nakatulong para mara­ting ang iyong kinala­lagyan. Gawing espes­yal sa kanila ang araw na ito. Lucky co­lor: Green, lucky number: 35.