Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/05/19

379

Dick Gordon
Kaarawan: Agosto 5, 1945
Laging may sinasabi ang mga lalaking Leo. Dahil sa kanilang talkative nature, marami ang lumalapit sa kanila dahil curious sa kanilang mga nalalaman. Maraming kaibigan dahil sa pagi­ging palabati sa sinumang kanilang makakasalubong sa daan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas­yadong natututok ang pansin at atensyon sa limitasyon na ikaw lang ang may gawa. Isantabi ito dahil mahahadlangan ang magagandang oportunidad na paparating. Ma­ging bukas sa mga nabubuksang bagong opsyon. Lucky color: Brown, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Yes para sa mga bagong oportunidad. ‘Wag ha­yaang magsilbing hadlang sa iyong daan ang mga bagaheng dulot pa ng isang nakaraan. Kailangan mo nang mag-move on. Lucky color: Green, lucky number: 10.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ang pakikitungo sa mga taong nakakataas ng posisyon ang dapat mong ayusin. Hindi uubra ang pride at pagmamatigas. Makia­yon muna at saka na kumontra. Lucky co­lor: Gray, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May pangangailangang ispiritwal na dapat unahin. Posibleng ito ang hinahanap ng iyong puso. Mas madaling magdesisyon kung maaliwalas ang isipan. Maglaan ng ‘me time’ sa araw na ito. Lucky color: Violet, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May tila pumipigil sa iyo para mas ma-express ang iyong sarili. Kung anuman ito, kaila­ngan mong kontrahin. May kailangan kang kausapin para mailagay sa ayos ang lahat. Lucky color: Maroon, lucky number: 2.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nakakadismaya ang ilang pangyayari sa iyong lovelife. Maaaring maliliit na bagay lamang ito pero kapag nagkakasunod-sunod ay makakasira ng iyong mood. May kaila­ngan kayong pag-usapan ng iyong partner. Lucky color: Blue, lucky number: 30

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas nauunawaan mo ngayon ang damdamin ng isang malapit na kaibigan. Makikita mo kung saan nanggagaling ang problema. Posibleng magkaroon ng isang heart-to-heart talk. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Importanteng bigyang pansin ang kalusugan. Maging ang emosyon ay malaki ang naidudulot sa iyong pisikal na kalagayan. Ayusin muna ang mga isyu para maging happy. Lucky color: Orange, lucky number: 16.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Nasa mood ka ngayon sa romansa. Kailangan mo ng dagdag na kulay sa iyong buhay at makukuha lamang ito sa iyong lovelife. Ang pagbibiyahe ay maaa­ring magdulot ng mas malalim na koneksyon sa kasuyo. Lucky color: Silver, lucky number: 41.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Anumang isyu sa loob ng bahay at pamilya ay magiging maayos na. Ang mga negatibong pangyayari ay unti-unti na ring mabubura. May dagdag na hamon sa iyong landas at kailangan itong malagpasan. Lucky color: Gold, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nasa komunikasyon nakasentro ang araw na ito. May maitutulong ang social media para iparating ang gusto mong mensahe. Hindi masamang iparating ang iyong pasasalamat sa taong patuloy na nakakatulong sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 44.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang inaakala mong limitasyon ang pumi­pigil sa iyo. Ang pangambang ito ang nagi­ging hadlang para sa tagumpay. Lakasan ang loob at isipin mong maraming taong naniniwala sa iyong kakayahan. Lucky color: Gold, lucky number: 51