Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/06/2018

By
209

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Alamin muna ang katoto­hanan ng balita bago mag-react. Umiwas sa kumpulan para makaiwas sa gulo. Huwag pabayaan ang sarili. Lucky color: Green, lucky number: 21.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Tulu­ngan ang pamilya na sa iyo lamang umaasa­. Isang special friend ang biglang magbabag­o ng pakikitungo. Kausapin ito para malinawan mo ang isyu. Lucky color: Gray, lucky number: 28.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ituon ang atensyon sa trabaho. May hahadlang sa plano. Isang kaibigan ang biglang dadalaw na may dalang good news. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Matuto sa hindi magandang experience. Huwag basta maniwala sa sabi-sabi. Maghintay ng paliwanag bago magalit. Lucky color: Gold, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Tignan sa mata ang kausap. Isang pangyayari ang magpapabago sa disposisyon sa buhay. Maging friendly sa mga bagong nakilala. Lucky color: White, lucky number: 6.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Malaki ang tsansang suwertehin sa ibang lugar. Dagdagan pa ang pasensya at pang-unawa sa taongmay dinadalang problema. Kakapusin kaya’t mag-ipit ng pera. Lucky color: Maroon, lucky number: 4.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Masuwerte sa bagong bahay. Huwag paapekto sa sinasabi ng iba. Mag-ingat sa salitang walang laman. Lucky color: Peach, lucky number: 25.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre­ 21) – Maraming balakid sa tatahaking daan. Pag-ingatan ang magandang pangalan. May malaking pagsubok na kailangang pag­handaan. Lucky color: Red, lucky number: 8.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21)– Tulungan ang sarili na makabangon sa kabiguan. Hindi lahat ay nadadaan sa ngiti. Maging seryoso sa pakikipag-usap lalo na usapin ng pag-ibig. Lucky color: Lilac, lucky number: 31.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ener­o 19) – Baguhin ang routine sa araw na ito. Maging natural sa pagkilos. Hindi kailangang itago ang tunay na damdamin. Magsalita para gumaang ang pakiramdam. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Huwag mahiyang magtanong kung naguguluhan. Harapin ang bagong challenge sa trabaho. Ituloy ang pagsisipag para suwertehin sa trabaho. Lucky color: Blue, lucky number: 12.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag sagarin ang sarili sa trabaho. Maghunus-dili sa pagbili ng mamahaling bagay na baka masayang lang. Matutong magtipid. Lucky color: Yellow, lucky number: 29.