Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/07/19

404

Gerry Peñalosa
Kaarawan: Agosto 7, 1972
Mababait naman ang mga lalaking Leo pero may tendency na maging mayabang. Gusto nilang ma­ging center of attention sa mga party. Madalas may nakahanda silang pasabog para makuha ang atensyon ng mga tao.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasang matakot lalo na sa mga maliliit na bagay. Ang lahat ng nangyayari ay nakatakda. Harapin ang bawat hamon dahil may mga taong naniniwala sa iyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Nasa mood ka ngayon para makipagtsikahan. I­ngatan lamang ang mga sinasabi. Magkakaroon ng maraming kaibigan. Lucky color: Yellow, lucky number: 16

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ituloy ang mga nabiting trabaho. Ibuhos muna rito ang iyong atensyon sa kasalukuyan. Maraming tao ang nagmamasid sa bawat ginagawa mo. Lucky color: Silver, lucky number: 22.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kung may nasabi kang masakit sa isang kaibigan o kapamilya, ngayon ang pagkaka­taon mo para humingi ng tawad. Gawing simple ang buhay. Lucky color: Gold, lucky number: 17.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Wala sa isip ang ginagawa kaya’t posibleng magkamali. Itigil ang mga kadramahan na nagpapabigat sa iyong buhay. Lucky color: Peach, lucky number: 20.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Nalilito kung sino ang pipiliin. Makokompromiso ang isang prinsipyo. Kalma ka muna habang mainit pa ang sitwasyon. Lucky co­lor: White, lucky number: 4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Nasosobrahan ka sa pag-aalala. Ilan sa ikinatatakot mo ay hindi naman mangyayari. Magrelaks, kumalma at maging positibo. Lucky color: Brown, lucky number: 6.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maging alerto sa paligid. Isipin ang mas malaking picture ng mga mangyayari. May kakaibang ganap sa araw na ito. Lucky color: Silver, lucky number:1 8,

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Matagal ka nang nagpipi­gil sa mga gusto mong gawin at sa pagkakataong ito, hindi na masamang gawin ang gusto mo. Mapapatunayan mo naman ang iyong kakayahan. Lucky color: Gold, lucky number: 33.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sa mga nagdaang araw ay naging abala ka sa mga seryosong usapin kaya deserve mo naman ngayon ang makapagpahi­nga. Gamitin ang araw na ito para magkaroon ka naman ng ‘me time’. Lucky color: Yellow, lucky number: 7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung may ilang nakakadismayang insidente sa mga nagdaang araw, kailangan mong maging mas aktibo para makabawi. Tiyakin din na hindi naman masyadong napakataas ng goal na hinahabol mo. Kailangan mo ring maging realistic. Lucky color: Maroon, lucky number: 6.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kalimutan muna ang mga personal mong restriksyon sa loob ng araw na ito. Iwasan lamang na masobrahan sa mga plano lalo na ang mga plano kung saan kakaila­nganin mong mangako sa ibang tao. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.