Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/07/2018

By
249

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hirap kang ibahagi ang sariling opinyon sa iba. Gawin ang lahat para mas maunawaan ka. Huwag nang magulat kung deadmahin ka ng mga kasama. Aminin ang pagkakamali. Lucky color: White, lucky number: 42.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May mabigat na pasanin na dinadala. Huwag padal­a sa emosyon. Mas mabuting mapag-isa muna para bumuti ang pakiramdam. Huwag sumuko. Lucky color: Blue, lucky number: 20.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May lalapit at maglalambing. Ingat sa gagawing pakikipag-usap. Maging tapat sa opinyon. Gawin ang lahat ng makakaya para hindi na lumaki ang isyu. Lucky color: Peach, lucky number: 33.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Walang dapat ipag-alala. Kaya-kaya mong dalhin ang mga problema mo. Walang makakapigil sa iyo kahit na may humaharang. Tingnan sa mata ang tao para hindi maloko. Lucky color: Green, lucky number: 3.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kumain nang kaunti. Huwag ubusin ang pera sa isang iglap. May gustong gawin na hindi maipaliwanag. Ikaw lang ang makakasagot sa maraming tanong. Lucky color: Red, lucky number: 10.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – I-advance ang susunod na hakbang. Itigil ang pa­ninisi. Tanggapin nang maluwag ang nangyari para maka-move on na. Huwag magpaapi sa ibang mga kasama. Lucky color: Beige, lucky number: 7.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May kumukuwestiyon sa iyong mga pangarap. Mag-ingat sa gagawing pagkompronta sa isang kasama. Gawin ang lahat para labanan ang mga negativity. Huwag magpa-down. Lucky color: Orang­e, lucky number: 26.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Una­wain ang lahat ng anggulo ng isyu. Magtiwala sa intuwisyon. May responsibilidad na kailangang seryosohin. Lucky color: Yellow, lucky number: 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi mapapakali. May importanteng lakad kaya’t maghanda ng magandang damit. Kahit na ano pa ang gawin, sadyang lumalayo na ang isang importanteng bahagi ng buhay. Tanggapin ito nang maluwag sa dibdib. Lucky color: Maroon, lucky number: 52.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Parang walang ginawang tama sa araw na ito. Mababalot ka ng takot kaya’t mas mabutin­g may kasama. Hayaang lumipas ang oras para matapos na ang mga agam-agam. Lucky color: Yellow­, lucky number: 1.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maghanda dahil may isang imbitasyong dariting­. Lumabas at magpraktis. Maging friendly sa bagong lugar na pupuntahan. Lucky color: Red, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Makinig sa iyong konsiyensya. Isang bagay ang biglang mawawala. Kung hindi naman importante, hayaan na lang ito. Gawing routine ang maikling panalangin. Lucky color: Maroon, lucky number: 20.