Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/08/19

275

Eric Altamirano

Kaarawan: Agosto 8, 1966

Mahilig sa outdoor activities ang mga lala-king Leo dahil dito sila kumakalma. Minsan mahirap siyang tumanggi sa mga alok o imbitasyon kahit ayaw nila. Mr. Congeniality ang bansag sa kanila dahil gagawin nila ang lahat para sa isang kaibigan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magiging fantastic ang araw na ito. May malaking expansion sa ginagawang project. Mahihirapan kang magtiwala uli dahil sa mga nangyari pero mapag-aaralan uli ito. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May ma-lakas na emosyon na gumugulo sa iyong damdamin. Bigyang ng task ang isang kasama na walang ginagawa. Huwag matakot na mag-utos. Kailangan mong gawin ito para mapabilis ang pacing ng buhay. Lucky color: Yellow, lucky number: 9.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –Makikita mo ang iba’t ibang mukha ng buhay. Magiging b­ukas ang mga mata sa reyalidad. Pahalagahan ang mga bagay na hawak sa kamay dahil baka sa isang iglap ay maglaho ang mga ito. Lucky color: Brown, lucky number: 16.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –Matindi ang pagnanasa na makuha ang gusto. Kontrolin ang pagiging magarbo dahil baka makaapekto ito sa iyong pinansyal. Makuntento sa anumang dumarating. Lucky color: Gray, lucky number: 33.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Panindigan ang paniniwala. Masusubukan ang iyong disiplina. Hahanggan ka sa iyong talento na magbibigay sa iyo ng suwerte sa hinaharap. Lucky color: Violet, lucky number: 15.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi sa lahat ng oras ay aayunan ang iyong opinyon. May kokontra pa rin kahit na maganda ang layunin. Ipakita na sport ka lang kahit na masama ang iyong loob. Lucky color: Violet, lucky number: 34.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Magiging madilim ang iyong paligid pero may mga kaibigan na magdadala ng liwanag sa iyo. Ikaw na ang magsimula ng kwentuhan para maging m­aayos ang usapan. Tikayin ang mga sasabihin para hindi maparatangang sinungaling, Lucky color: Blue, lucky number: 46.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May matitisod na isang malaking isyu. Mas mabu-ting wag na itong palakihin pa dahil baka mag-boomerang din sa iyo. Quiet na lang kung gusto mong maging matahimik ang buhay mo. Lucky color: Yellow, lucky number: 10.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ituloy ang planong trip. Tikayin na kilala ang mga makasama. Isang pangyayari ang big-lang magpapabago sa iyong opinyon. Lucky color: Pink, lucky number: 18.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Maraming kaganapan na magdadala ng matin-ding kilig sa iyo. Huwag nang magpakipot sa taong lumalapit kung gusto mo rin naman siya. Tiyakin lang na walang masasagasaan sa gagawin. Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Matututong tumupad sa pangako. Pangalagaan ang magandang pangalan Hindi matatawaran ang ta-lento. Ang pagiging masigasig niya sa bawat larangang pasukin ang siyang humahatak sa kanya patungo sa kanyang tagumpay. Lucky color: White, lucky number: 16.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isa kang tao na may malakas na personalidad. Hindi ikaw ang tipo na sumusuko sa anumang laban. Kaya anuman ang pinagdadaanan mo ngayon ay siguradong kakayanin mo. Lucky color: Gray, lucky number: 28.