Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/08/2018

By
203

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ang isang pinapangarap ay biglang magkakatotoo. Mahirap lang sa simula ang maraming bagay pero kapag nagamay mo ay magiging madali na ang lahat. Walang imposible kung malakas ang determinasyon. Lucky color: Orange, lucky number: 1.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Iwasang mangako ng kung anong bagay sa araw na ito. Kung mahihirapan kang tuparin, mas piliin ang manahimik muna. Sa halip na salita, idaan na lamang ang lahat sa aksyon. Lucky color: Blue, lucky number: 50.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang tao na mahalaga sa iyo ang biglang lalapit at magsasabi ng problema. Ibigay sa minamahal ang iyong buong aten­syon. Makapaghihintay ang iba pang obligasyon. Huwag magmadali. Lucky color: Brown, lucky number: 44.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Pag-aralang mabuti kung alin ang magagamit na puwedeng itapon. Tanggalin ang mga kalat. Lalong pamamahayan ng negative energy ang bahay na magulo at walang kaayusan. Nagpapabigat ­lamang ang mga ito sa buhay mo. Lucky color: Maroon, lucky number: 9.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi habang panahon na magpapakahirap ka para pasayahin ang lahat ng obligas­yon. Sa pagkakataong ito, mas unahin ang sarili para sumaya ka naman. Lucky number: Green, lucky number: 43.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magiging mabigat ang araw na ito sa pananalapi. Sa isang saglit, puwedeng mabalewala lahat ng pinaghirapan mo. Linawin ang mga mensaheng gustong iparating sa mga kasama. Lucky color: Orange, lucky number: 15.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Huwag masanay na dinidiktahan ng iba. Gumawa ng sariling desisyon. Mahirap nang sisihin ang ibang tao sa bagay na wala naman silang kinalaman. Maging seryoso na sa buhay. Lucky color: White, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kung patuloy na mananahimik, mas lalo mong hindi malalaman ang hinahanap mong sagot. ‘Wag nang pairalin ang pride at lapitan ang mga taong makakatulong sa iyo. Maging realistic. Lucky color: Silver, lucky number: 21.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ang inaakala mong napakalaking bagay ay maliit na isyu lamang na pinalaki ng ibang tao.
Magmasid at malalaman mo kung ­sino-sino sa mga kaharap mo ang tunay na nagmamalasakit sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 44.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – ‘Wag agad paniwalaan ang sinasabi ng kaharap mo. Maghanap ng pruweba at mag-double check muna bago magpadala sa bugso ng emosyon. Lucky color: Gold, lucky number: 12.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Sa araw na ito, hindi masamang pakiramdaman ang matagal nang kutob. Hindi paborable sa ngayon ang anumang shortcut, kailangang doon ka muna sa mas ligtas at mas malinaw sa panig. Lucky color: Red, lucky number: 14.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May ilang sitwasyon na pinalalala lamang ng sobrang pag-aalala. Kung hindi ka­kalma, mas lalong madaragdagan ang aberya. Gawin ang lahat ng magagawa at tangga­pin na may pagkakataong wala sa iyong kontrol ang mga pangyayari. Magtiwala sa sarili. Lucky color: Gray, lucky number: 16.