Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/09/19

0 359

Sanya Lopez

Kaarawan: Agosto 9, 1996
Kapag in love ang babaeng Leo, umiikot lang ang kanyang mundo sa kapartner. Sabi nga ng ilan, may pagka-self involved sila dahil mas mahal nila ang iba kaysa sa kanilang mga sarili. Ibibigay niya ang lahat, ang kanyang puso at katawan nang walang limitas­yon sa lalaking minamahal.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magaganda ang mga ideyang naiisip, pero mukhang ‘di ito magiging akma sa kasalukuyan. Maging realistic. May mga bagay na hindi puwede kahit na gustong-gusto mo. Matu­tong tumanggap ng kabiguan. Lucky color: Orange, lucky number: 33.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Positibo ang epekto sa iyo ng isang bagong kakilala. Hindi masamang ikonsidera ang isang partnership. Maaaring magtagumpay kung pagsasamahin ang inyong puwersa. Lucky color: Blue, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Lahat ay kumbinsido na isa kang asset sa inyong kompanya. Tataas ang posisyon. Magugulat sa maririnig na ba­lita. Iwasan lamang na maging masyadong kampante para maiwasan ang ilang aberya. Lucky color: Silver, lucky number: 3.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Isang sorpresa ang hatid ng aspetong romansa. Magagawa mong lagpasan ang isang boring na routine. Sa mga single, isang bagong admirer ang lalapit at magpapakilala. Lucky color: Violet, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Paborableng talikuran ang isang nakagawiang tradisyon sa pamilya. Nagdudulot lamang ito ng mga hindi kinakailangang restriksyon sa iyong buhay. Makakaunawa ang iyong mga kapamilya sa iyong gagawin. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Kung may dapat sabihin, idiretso na ito sa mga nakatataas at huwag nang idaan sa ibang tao. Malinaw ang mensahe at madali itong matatanggap kung sa iyo mismo magmumula ang unang inisyatiba. Lucky color: Gold, lucky number: 19.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi masamang gumastos. Kailangan lamang na magtira para sa hinaharap. Kontrolin ang tukso na bumili ng mga hindi naman gaanong kakailanganin. Tipi­rin ang kaunting pera. Lucky color: Maroon, lucky number: 44.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang pag-uumpisa ng isang plano ang magdudulot sa iyo ng ibayong excitement. Ilang kaibigan ang hindi naniniwala sa iyong inuumpisahan. Patunayan sa kanila ang iyong talent. Lucky color: Brown, lucky number: 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Patuloy kang kakampi sa mga kapus-palad at dahil dito’y solido ang suportang nakukuha mo sa mga taong nasa paligid. May kontra sa iyong babalakin. ‘Wag na itong pansinin para makapagsimula sa tamang panahon. Lucky olor: White, lucky number: 42.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kumbinsido ang mga tao sa paligid mo na isa kang magaling na lider lalo na sa mga pagkakataong kailangan ang madaliang desisyon. Muli mo itong mapapatunayan ngayon. Isang personal na relasyon ang magkakaroon ng malaking pagbabago. Lucky color: Yellow, lucky number: 43.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May isang pagbibiyaheng gagawin na magbubukas ng oportunidad para sa bagong koneksyon. Kailangan ding bigyang pansin ang kalusugan at ‘wag abusuhin ang katawan. Lucky color: Red, lucky number: 2.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Nakakapagpasaya sa iyo ang pagtulong sa mga taong mahal mo. Iwasan lamang na idikta ang gusto mo. Sa halip bigyan ng magkaibang opsyon ang iyong mahal sa buhay. Kailangan na talagang mamili sa dawalang mahalagang bagay sa iyong buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 16.