Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/09/2018

By
349

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kailan mo huling sinabi sa taong mahal mo na siya ang pinakaimportante sa buhay mo? Kung medyo matagal na ito, ngayon ang tamang oras para iparamdam ang pagmamahal. Maging sweet. Kalimutan muna ang tampuhan. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Iwasang maging mapaghanap. May mga expectation na hindi talaga kayang ma-meet. Tanggapin ito para hindi na mahirapan. Alalahanin na walang taong perpekto. Tanggapin na meron ding mga negatibong ugali ang taong minamahal. Lucky color: Maroon, lucky number: 26.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ‘Wag ma­konteno sa puwede na. Itaas ang goal pagda­ting sa relasyon. Mag-level up dahil hindi ka na bumabata. Kailangang mag-heart to heart talk sa iyong partner para maayos agad ang tampuhan. Lucky color: Yellow, lucky number: 20.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Gaano man kaayos ang isang samahan, sadyang may araw na hindi maayos ang relasyon. Pag-usapan nang mabuti ang sensitibong isyu. Bigyan ng panahon ang paglilinis ng bahay para lumuwag ang espasyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 10.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May kaka­ibang nakita sa taong napupusuan. Magkaiba kayo ng opinyon kaya magkaiba rin ang inyong interpretasyon. Gayunpaman, hindi ito dapat maging hadlang sa magandang pagtitinginan. Lucky color: Yellow, lucky number: 10.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May pressure na nararamdaman subalit hindi dapat magpatalo. Magpokus sa dalawang importanteng isyu sa pagkakataong ito. Push pa more at makikita mo ang mga benepisyong para sa iyo sa mga susunod na araw. Lucky color: Gray, lucky number: 9

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Huwag isipin ang sasabihin ng iba. Kumilos nang ayon sa mga plano mo. May oportunidad na hindi dapat sayangin. Kumpiyansa sa sarili ang tangi mong kailangan. Lucky color: Violet, lucky number: 2.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Buksan ang mga mata. Maraming magaganda sa paligid mo. ‘Wag madismaya dahil pansamantala lamang ang nararamdamang lungkot. Lucky color: Blue, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyem­bre 21) – Nararamdaman mong may mali sa sitwasyon. Hindi ka makakilos dahil sa taong na­kadikit sa iyo. Maging considerate sa nararamdaman ng ibang kasamahan. Lucky color: Brown, lucky number 50.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Nasa posisyon ka ngayon para ipilit ang gusto. Ipakita ang iyong determinasyon. Hindi mo kailangang maging popular sa lahat ng pagkaka­taon. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May malakas na pressure. Kung natatakot, mas mabuting magpalamig muna. Mag-concentrate para hindi magkamali sa ginagawa. Lucky color: Maroon, Lucky number: 5

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang mahal sa buhay ang determinadong baguhin ang mga plano mo nang walang anumang pasabi. Pakinggan din ang kanyang pananaw. Hindi masamang pagbigyan ang ilang kahilingan nito. Lucky color: Red, lucky number: 9.