Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/10/19

0 242

LITO ATIENZA
Kaarawan: August 10, 1941
Madalas na mapagkalamang perfectionist dahil gusto nila lagi na maayos at maganda ang lahat ng bagay na kanilang hinahawakan. Hindi sila madaling magalit dahil para sa kanila, ang anumang negatibo ay may masamang epekto sa katawan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Iwasang umasa sa ibang tao, kailangan malaki rin ang maging kontribusyon mo sa trabaho. May hatid namang sorpresa sa aspeto ng romansa. Siguradong kikiligin ka. Lucky color: Gray, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kakailanganin mong ibuhos ang iyong effort pagdating sa isang project o trabaho. May kapalit naman itong malaking halaga. Lucky color: Yellow, lucky number: 15.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Paborableng araw ito kung tungkol sa arts ang pag-uusapan. Ipakita ang iyong creative side at marami ang mapapahanga. Posible rin itong magbukas ng isang oportunidad sa ibang bansa. Lucky color: White, lucky number: 28.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Posibleng maging isyu ngayon ang problema ng isang kaanak. Maaa­ring may kinalaman ito sa paglipat ng lugar. Manatiling positibo, makukuha mo ang kakailanganin mong tulong. Lucky color: Maroon, lucky number: 17.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magbibigay ng malaking benepisyo ang isang kontrata na inilalapit sa iyo. May dagdag na income. Bigyan din ng pansin ang ‘me time’ para i-pamper ang sarili. Lucky color: Maroon, lucky number: 1.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi mo kailangan ng mara­ming kaibigan kung wala namang sinseridad ang iba. Hindi na baleng kakaunti kung meron namang kalidad. Magtapon ng mga bagaheng pampabigat lamang sa buhay. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kailangan ng masusing plano para walang mangyaring aberya sa isang planong may kinalaman sa aspetong pinansyal. Lumayo muna sa anumang uri ng distraksyon para mas makapag-isip. Lucky color: Blue, lucky number: 44.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Para mas mai-push ang iyong mga ambisyon na may kinalaman sa iyong career, dapat munang mag-low profile. Dagdagan pa ang iyong mga kaalaman habang naghihintay ng tamang pagkakataon. Lucky color; Gold, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Sa anumang aspeto, kailangan ngayong maghinay-hinay para matiyak ang panalo. May positibong benepisyo rin ang pakikisalamuha sa ibang grupo. Lucky color: Red, lucky number: 7.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Sa pagkakataong ito, mas makakapagdulot ng benepisyo kung solo-solo muna ang diskarteng gagawin mo. Gamitin ang iyong charm para makuha ang target mo. Mala­king pera ang nakasalalay dito. Lucky color: Gray, lucky number: 51.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May oportunidad na makilala mo ang isang misteryosong indibidwal. Isang magandang pagkakataon ito para sa mga single. Sa aspeto ng iyong career, hindi masamang ibahagi ang iyong kaalaman sa mga na­kababata sa iyo. Lucky color: Green, lucky number: 38.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magsubi muna ng pera kaysa gumastos dahil kakailangan mo ito para sa mga darating na araw. May partner man o wala, malakas ang karisma mo sa opposite sex sa araw na ito. Kung may commitment na, mas makabubuting maagang dumistansya sa mga potensyal na kalaban. Lucky color: Gold, lucky number: 16.