Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/11/19

0 340

Jhong Hilario
Kaarawan: Agosto 11, 1976

May mataas na ambisyon at mahilig sa mga outdoor activity. Hindi sila ang taong gustong magtigil sa bahay. Mas gusto nilang nasa labas kasama ng mga tao. Hindi nauubusan ng energy lalo na kung kasama ang pamilya at mga kaibigan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ito ang paborableng araw para makipag-bonding sa friends. ‘Wag lang kalimu­tang balansehin ang mga ginagawa. Ang anumang sobra ay magdudulot lamang ng sakit ng ulo sa hinaharap.Lucky color: Maroon, lucky number: 45.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magpokus ka sa trabaho. Iwasan muna ang barkada hangga’t maari. Pag-isipang mabuti ang lahat ng opsyon bago mag-commit. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 31.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Marami kang na-miss gawin at hindi masamang ikonsidera ito ngayon. Bigyan ng panahon ang nararamdamang curiosity sa isang tao. Makikiayon sa mga plano mo ang iyong partner sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 26.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Iwasang magpokus nang husto sa mga problemang pinansyal. May mga solusyong paparating sa mga susunod na araw. Magdahilan para mag-celebrate ngayong araw. Lucky color: Blue, lucky number: 14.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Dumistansya sa mga argumento at anumang away na wala ka namang direktang kinalaman. Kahit involved pa ang isang taong malapit sa iyo, hindi ito sapat na dahilan para magpakita ng anumang posisyon. Lucky color: Silver, lucky number: 43.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Maraming paraan para mabawasan ang work load. Magpatulong sa iba bago pa maubos ang lakas. Bigyan muna ng panahon ang kalusugan at ‘wag balewalain ang mga bahagyang nararamdaman ng katawan. Lucky color: Gold, lucky number: 44.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ang positibong attitude ay magbibigay ng positibong feedback hindi lamang sa iyo kundi maging sa nakapaligid sa iyo. Importanteng panatilihin ang kumpiyansa sa sarili. Ito ang higit na kailangan ngayon sa gitna nang matinding kumpetisyon. Lucky color: White, lucky number: 22.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Bagama’t hindi matatawaran ang iyong abilidad, may pagkakataong kailangan mo pa rin ang tulong ng iba. Huwag mahiyang humingi ng pag-alalay ngayong araw na ito. Maraming tao ang handang tumulong sa iyo. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Papaboran ang iyong pakikipag-usap. Ang mensaheng matagal mo nang gustong sabihin ay kailangan nang maipara­ting sa kinauukulan. Hindi makaka­tulong ang pananahimik dahil lalong lalala ang sitwasyon. Lucky color: Orange, lucky number: 33.

CAPRICORN (Disyembre 22-E­nero 19) – Isang balita na mula sa malayong lugar ang magpapasaya sa iyo. Malaking benepisyo na matatanggap. Makabubuti rin na sarilinin muna ang mga plano habang hindi pa sigurado ang lahat. Lucky color: Blue, lucky number: 55.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang lahat ng pangyayari sa mga nagdaang araw ay magpapakita na ng resulta mula ngayon. Makikita mo na rin kung saan ang tamang direksyon. ‘Wag magsayang ng oras. Lucky color: Violet, lucky number: 11

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mas gugustuhin mo ngayon ang mapag-isa para mas makapag-isip. Marami kang gustong gawin pero walang oras. Mas makakabuti na unahin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Lucky color: Black, lucky number: 41.