Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/12/19

0 310

Marian Rivera
Kaarawan: Agosto 12, 1984
Mas madalas na gusto nila sa tahimik na kapaligiran kaysa maraming tao. Pero hindi naman sila mga anti-social, sadyang mas mahalaga sa kanila ang ‘me time’ kaysa anumang bagay. Isa ang katangiang ito na nagpapaiba sa kanilang pagkatao.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ga­wing misyon ang pagkakaroon ng positibong pananaw. Talikuran na ang mga emos­yunal na bagahe. Isang bagong kakilala ang may magandang impluwensya sa iyo. Lucky co­lor: Blue, lucky number: 22.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May maitutulong ang pakikipag-usap sa mga matatandang kakilala. ‘Wag matakot na talikuran ang mga makalumang paniniwala. Matutulong makibagay sa makabagong panahon. Lucky color: Brown lucky number: 35.

Abante Hiring – IT dep

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Batid mo kung ano ang mga nagbibigay ng motibasyon sa mga tao sa iyong paligid. Hindi rin maikakaila ang malaki mong impluwensya sa kanila. Lahat ng magandang nagawa ay may katapat na gantimpala. Lucky color: Gray, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi maikakaila ang malaki mong implu­wensya sa ibang tao. Magiging maganda ang umpisa ng sinimilang negosyo. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May lucky charm sa iyong tabi. Tignan ang ibang bagay na puwedeng magamit pa. ‘Wag ka­paguran ang paghanap sa mga bagong formula dahil ito ang maghahatid sa iyo ng mas malaking oportunidad sa future. Lucky co­lor: Silver, lucky number: 48.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ‘Wag isiping sapat na ang iyong kakaya­han. Habang lumalawak ang iyong kaalaman, mas lalong tumataas ang iyong prospects. Kung may oportunidad para mag-training, ‘wag itong pakawalan. Kailangan mo nga­yon ng dagdag-kaalaman. Lucky color: Violet, lucky number: 4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Malakas ang iyong determinasyon na labanan ang mga negative vibes. Bigyan ang sarili ng reward sa bawat pagbabagong magagawa mo. Kaya mong lagpasan ang expectations ng iba dahil sa taglay mong kakayahan. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Naghahanap ng atensyon ang iyong partner sa buhay. Alam mo kung paano siya mapapasaya, ‘wag itong ipagkait. Makakapaghintay ang ibang obligasyon. Lucky color: Orange, lucky number: 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – May mahirap na trabahong ilalapit sa iyo. Sa halip na ubusin ang oras sa pagrereklamo at paghahanap ng negatibo, harapin na lamang ito. Ang resulta nito ang magbubukas ng suwerte sa pananalapi. Lucky color: Silver, lucky number: 9.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Iwasang maging masyadong mapaghanap. Isipin mo muna kung sapat ang naibibigay mo sa iyong partner bago mo tingnan ang kanyang mga pagkukulang. May kailangang baguhin sa attitude. Lucky color: Red, lucky number: 1

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ang iyong pamilya ang prayoridad mo sa araw na ito at sa mga susunod pa. Huwag puro pera ang isipin. Mas mahalaga ang oras na kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay. Lucky color: Gold, lucky number: 17.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Sapat na ang iyong natutuhan para maia­ngat ang iyong kalagayan sa buhay. Kung may nakasakit sa iyo sa nakaraan, piliin ang magpatawad kaysa pagganti. Lucky color: Green, lucky number: 10