Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/13/19

0 181

Kim Byeongkwan (Korean singer)

Kaarawan: Agosto 13, 1996
Sila ang pinaka-sweet sa lahat ng zodiac sign. Mapagbigay at generous lalo na sa kanilang mga mahal sa buhay. Masaya sila kapag nakikitang masaya rin ang mga taong nasa kanilang paligid. Kaya nilang maimpluwensyahan ng positive vibes ang taong malalapit sa kanilang puso.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magsubi muna ng pera para sa isang malaking gastusin. May partner man o wala, malakas ang karisma mo sa opposite sex sa araw na ito. Kung may commitment na, mas makabubuting maagang dumistansya sa mga potensyal na tukso. Lucky color: White, lucky number: 3.

Abante Hiring – IT dep

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Iwasang umasa sa ibang tao. May hatid na sorpresa sa aspeto ng romansa. Kung meron kang nagugustusan, ngayon ang tamang timing para ipursige ito. Hindi masamang magpahaging sa iyong nararamdaman. Lucky color: Blue, lucky number: 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kakaila­nganin mong ibuhos ang iyong effort pagdating sa trabaho. May kapalit man ito na monetary reward o wala ay mahalagang gawin itong nang buo sa puso. Lucky color: Brown, lucky number: 11.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Paborableng araw ito kung tungkol sa arts ang pag-uusapan. Ipakita ang iyong creative side at marami ang mapapahanga. Posible rin itong magbukas ng isang oportunidad na hindi mo inaasahan sa buhay mo. Lucky color: Gold, lucky number: 2.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Posibleng ma­ging isyu ngayon ang problema ng isang kaanak. Maaaring may kinalaman ito sa paglipat ng lugar. Manatiling positibo at kalmado. Madadaan sa magandang usapan ang anumang problema. Lucky color: Red, lucky number: 19.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Magbibigay ng malaking benepisyo ang isang proyekto na iaalok sa iyo. Bukod sa dagdag na income, mas magkakaroon ka rin ng panahon para makapagrelaks at makapag-travel. Bigyan din ng pansin ang iyong ‘me time’ para i-pamper ang sarili. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kailangan ng masusing plano sa balak na negos­yo. Isang planong may kinalaman sa aspetong pinan­syal ang mabubulilyaso. Lumayo muna sa anumang uri ng distraksyon para mas makapag-isip. Lucky color: Pink, lucky number: 16.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Sa anumang aspeto, kailangan ngayong maghinay-hinay para matiyak ang panalo. May positibong benepisyo rin ang pakikisalamuha sa mas mala­king grupo. Lucky color: Orange, lucky number: 8.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Sa pagkakataong ito, mas makakapagdulot ng benepisyo kung solo muna ang diskarteng gagawin mo. Mahirap nang mapasubo nang walang laban. Gamitin ang iyong charm para makuha ang target mo. Lucky color: Maroon, lucky number: 10

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi mo kailangan ng maraming kaibigan kung wala namang sinseridad ang iba. Magtapon na ng mga bagahe sa buhay na matagal nang nagpapahirap sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 3.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Para mas mai-push ang iyong mga ambisyon na may kinalaman sa iyong career, mas mabuting ma­ging low profile. Dagdagan pa ang iyong mga kaalaman, Mahirap na lumaban sa giyera na kulang ka sa armas. Lucky color: Gray, lucky number: 49.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May oportunidad na makilala mo ang isang misteryosong indibidwal. Isang magandang pagkakataon ito para muling sumigla ang buhay. Sa aspeto ng iyong career, hindi masamang ibahagi ang iyong kaalaman sa mga nakababata sa iyo. Lucky color: Silver, lucky number: 40