Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/14/2018

175

Kim Rodriguez
Kaarawan: Agosto 14, 1994

Devoted at tapat sa isang relasyon. Ideal para sa mga babaeng Leo ang isang lalaki na kayang tapata­n ang kanyang malakas na personalidad. Kailangang magin­g karapa-dapat siya sa iyong pagi­ging confident at ge­nerous.

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Isan­g malayong kaibigan ang susulat o magpaparamdam. I-enjoy ang araw ito. Huwag mag-­alala dahil matatapos sa takdang araw ang proyekto. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magiging milyonaryo balang araw. Isang romantic interes­t ang biglang darating sa buhay mo. Huwag na itong pakawalan dahil siya na ang iyong forever.Lucky color: Yellow, lucky number: 10.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Nasa good mood ang kapartner. Buksan ang komunikasyon. Huwag kalimutan ang isang pangako. Magiging super busy sa trabaho sa ibang lugar. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May malaking mga blessing sa paparating. Bung­a ito ng malaking sakripisyo. May magandang kinabuksan sa bagong negosyo na pinasukan. Lucky color: Gray, lucky number: 30.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mag-ayos at magpaganda. May biglaang imbitasyo­n na darating. Huwag nang magpakipot kung gustong sumama. Mag-enjoy at kalimutan ang problema. Lucky color: Maroon, lucky number: 23.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ipriyoridad ang pamilya at relasyon. Makipagkita sa isang dating kasamahan pagtakatapos ng trabaho. Tiyakin na walang masasaktan sa gagawin. Lucky color: Violet, lucky number: 5.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – I-express ang nararamdaman. Maging honest­. Sa­bihin na ang totoo kahit may masasaktan. Mag-ingat sa pagdadala ng mamahaling bagay. Lucky color: Blue, lucky number: 37.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magiging maayos ang takbo ng pinansyal­. Umuwi nang maaga para makapiling ang pa­milya. May positibong pangyayari sa araw na ito. Lucky color: Violet, lucky number: 28.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Maraming makakapansin sa kakaibang glow. Mas lalong titibay ang relasyon. Iwasang ma-late sa iyong date ngayong gabi. Lucky color: Blue, lucky number: 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Malayo ang mararating ng imahinasyon. Maraming ideya na susulpot sa isipan tungkol sa pagsusulat o pagkanta. Iwan muna ang ginagawa para lumanghap ng malamig na hangin. Lucky color: Silver, lucky number: 45.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magkikita-kita ng mga dating kaibigan o kasamahan. May interesting information na masasa­gap. Isang tao sa paligid ang biglang mag-iinit ang ulo. Dumistansya muna. Lucky color: White, lucky number: 4.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ituloy ang planong pag-aaral. Maganda ang hatid na suwerte ng araw na ito. Mapupuno ng mga ideya ang isip. Mag-dinner sa labas kasama ng mga kaibigan. Lucky color: Gold, lucky number: 12.