Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/15/2018

By
316

Ernie Baron
Filipino broadcaster/­inventor
Kaarawan: Agosto 15, 1940

Siya ang pinaka-compatible sign sa mga Sagittarius, Aries, Libra at Gemini. Malaki ang tiwala sa sari­li at sigurado sa bawat kilos na gagawin at salita na sasabihin. Hindi nauubusan ng opinyon kaya napagkakamalang arogante ng mga taong hindi nakakakilala sa kanya. Pero sa totoo, isa siyang maginoo at matulunging tao.

 

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May darating na malaking pera. Maa­aring bonus o regalo. Puwede mo itong gamitin para mapaayos ang bahay. Gaganahan dahil sa magandang naumpisahan. Lucky color: Silver, lucky number: 10.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ihanda ang sarili sa maraming sorpresa. May positibong pagbabago sa komunidad. Mabilis na kakalat ang isang balita na ikaw mismo ang pinagmulan. Lucky color: Maroon, lucky number: 27.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mag-volunteer ng tulong sa isang kaibigan. Lalabas ang nakatagong talento na puwedeng magbigay ng karagdagang kita sa iyo. Magiging proud sa sarili. Lucky color: Gold, lucky number: 11.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maganda ang gising na parang kaya mong gawin ang lahat ng bagay. Mataas ang ­energy. Huwag pangunahan ang taong tumutulong sa iyo. Makinig at magmasid. Lucky color: Red, lucky number: 39.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Babalik ang ilang alaala noong bata ka pa. Wala naman itong masamang ibig sabihin. Magiging gabay mo ito para mapalakas ang relasyon sa pamilya. Lucky color: Silver, lucky number: 13.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mauubos ang oras sa isang group project. May isang tao na masarap ka­usap. Asahan na magiging simula ito ng magandang pagtitinginan. Lucky color: Yellow, lucky number: 3.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Umpisahan ngayon ang pinaplanong project. Huwag maging pabigla-bigla. Ilista ang mga option. Unahin ang mga bagay na importante para sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Patuloy ang pagdating ng suwerte sa career at negosyo. Palawakin pa ang pang-unawa. Mas kailangan ka ngayon ng minamahal kaya’t paglaanan ito ng oras at panahon. Lucky color: Orange, lucky number: 41.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – Normal lamang na magalit o magtampo paminsan-minsan. Himayin ang mga nangyari sa araw na ito. May bumabalik na malaking ­takot sa isipan. Hayaang mawala ang galit sa paglipas ng araw. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Makipag-usap sa ibang grupo. Magtakda ng long term goal sa buhay. May ilang kaibigan ang magkaka-interes na lumapit sa iyo. Huwag mag-alala ­dahil malinis ang kanilang hangarin. Lucky color: Green, lucky number: 7.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maraming nakapila na trabaho para sa araw na ito. Lambingin ang taong nagtatampo. May gustong sabihin ang isang katrabaho na matagal mo nang gustong marinig. Mag-celebrate. Lucky color: ­Yellow, lucky number: 19.