Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/17/19

313

Ella Cruz

Kaarawan: Agosto 17, 1996
Simple lang ang trip sa buhay ng mga babaeng Leo. Gusto lang nila na laging kapiling ang mga mahal sa buhay dahil dito sila humuhugot ng lakas. Family first ang motto nila. Hindi niya ipagpapalit ang kanyang pamilya kahit bigyan ng maganda o malaking offer sa ibang lugar dahil ayaw nila na malayo sa kanyang mga minamahal.

Related Posts

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Madali ka lamang maubusan ng pasensya sa araw na ito kaya maka­bubuting dumistansya lalo na sa mga taong itinuturing mong toxic. Kung hindi mapipigilan, posib­leng magkaroon ka ng eksenang pagsisisihan mo rin sa bandang huli. Lucky color: Gray, lucky number: 23.
TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – ‘Wag masyadong pahirapan ang sarili sa iba’t ibang alalahanin. Isang pangyayari sa araw na ito ang magiging daan para ma-realize mong walang kuwentang pag-ukulan ng pansin ang mga petty issues. Lucky color: White, lucky number: 19.
GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang kaibigan ang magbibigay sa iyo ng importanteng payo at impormasyon ngayon. ‘Wag nang pairalin ang pride at tanggapin ito. Malaki ang magagawa ng taong ito para mabago ang isang hindi kanais-nais na sitwasyon. Lucky color: Red, lucky number: 9.
CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi ito ang tamang araw para itodo ang iyong effort at pagurin ang sarili. Wala ka rin masyadong ma-a-accomplish lalo na kung kalahati lamang ng atensyon mo ang kaya mong ibigay. Sa halip, magpokus na lang muna sa romantikong distraksyon na nasa iyong harapan. Lucky color: Yellow, lucky number: 5.
LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung meron kang puna at komento na gustong iparating sa isang partikular na indibidwal, gawin ito sa paraang hindi mo masisira ang kanyang kumpiyansa. Huwag siyang i-down sa halip ay tulungan siyang magbago para sa kanyang ikabubuti. Lucky color: Brown, lucky number: 33.
VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang mistulang palaisipan na matagal mo nang iniha­hanap ng kasagutan ang magkakaroon ng linaw ngayon. Mapapatunayan mo rin na hindi naman pala ito komplikado. Kailangan mo lamang magpokus. Lucky co­lor: Violet, lucky number: 54.
LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Isang matagal mo nang gusto ang ilalapit sa iyo ngayon. Maaring ito’y isang bagay, isang pangyayari o isang indibidwal na matagal mo nang pinakahihintay. Lucky color: Red, lucky number: 40
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) –Gaano man kapulido ang iyong mga plano, sa araw na ito ay may mga aberyang hindi maiiwasan. ‘Wag nang magalit dahil mapapatunayan mong kailangan mo ng aberyang ito para mabago ang isang maling naumpisahan. Lucky color: Yellow, lucky number: 2.
SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang taong malapit sa iyo ang lalapit ngayon at mangangailangan ng iyong tulong. Walang dahilan para tanggihan ang kanyang hinihingi. Sa mga susunod na araw ay ikaw naman ang mangangailangan sa taong ito. Lucky color: Black, lucky number: 25.
CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Gumawa ng paraan para mawala ang mga worries na nakakagulo sa isipan mo. Karamihan sa kanila ay maliliit lamang kaya hindi sapat para ubusin ang iyong oras. Gamitin ang araw na ito para makapagrelaks kasama ang mga kaibigan at kapamilya. Lucky co­lor: Green, luckuy number: 51.
AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mahirap mang sabihin, kailangan mong labanan ang takot sa mga mangyayari pa lamang at sa mga bagay na hindi mo pa nasusubukan. Kung masyadong maraming res­triksyon para sa iyong sarili, wala ka na ring laya para mag-explore. Lucky color: Blue, lucky number: 34
PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ipakita ang suporta sa isang kaibigan o kapamilyang na­ngangailangan ng iyong atensyon at suporta ngayong araw na ito. Hindi ka man niya mabayaran, darating ang araw na kakailangan mo rin ang kanyang suporta. Lucky color: Maroon, lucky number: 28.