Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/18/19

415

Wendell Ramos

Kaarawan: Agosto 18, 1978
Malakas ang self-confidence at may pagka-agre­sibo sa lahat ng zodiac signs. Matapang, makarisma kaya’t lapitin ng opposite sex. Palagi niyang nakikita ang mga magagandang bagay kaysa sa mga pangit na patunay ng kanyang positibong pananaw sa buhay. Mahilig silang magpapansin at manguna sa mga group activity.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makakatanggap ka ng malaking pera pero may malaki ka rin namang pagkakagastusan kaya malamang na maubos din agad. I­ngat sa sobrang paggastos at iwasan muna ang luho para ‘di magipit. Lucky color: Gray, lucky number: 39.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang inaakala mong malaking problema ang magpapalungkot sa iyong umaga. Pero sa bandang hapon ay unti-unting luluwag ang pakiramdam. Isang tao ang magsasalba sa iyong mabigat na alalahanin. Lucky color: Yellow, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – ‘Wag munang ipilit ang mga gusto mo. May mga bagay na hindi para sa iyo. Lawakan ang pang-unawa. Posibleng lalo ka lamang masasaktan kung paiiralin ang katigasan ng ulo. Mag-isip-isip para hindi mapasubo. Lucky color: Red, lucky number: 22.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Iwasang maging padalos-dalos sa mga ginagawa. Hindi lahat ng naiisip ay magkakatoo. Bawasan ang sobrang pag-aalala. Kumalma. Subukang huminga nang malalim ng makailang ulit para mawala ang kaba. Lucky color: Blue, lucky number: 4.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang isang bagay na sa tingin mo ay simple lamang ay posibleng komplikado sa ibang tao. Unawain na bawat tao ay merong kahinaan at may kanya-kanyang struggle sa buhay. Mag-observe na lang muna bago magsalita. Lucky color: Red, lucky number: 11.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Iwasang magmadali. May makakaligtaan na importanteng bagay. Gamitin ang common sense sa mga nangyayari sa paligid. Hindi lahat ay nakikita sa mata kaya’t talasan ang pakiramdam. Lucky color: Maroon, lucky number: 19.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May aberya na agad pagkagising sa umaga. Sadyang nakaguhit ang mga pagsubok na daraanan. Hindi masamang ikonsidera ang pakiki­pagkompromiso. Magi­ging maayos ang samahan kung mag-uusap. Lucky color: Maroon, lucky number: 10.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kung may trabaho o project na kailangang gawin, gawin na ito ngayon at ‘wag nang ipagpabukas pa. Mahalagang tumupad sa pinag-usapan. Piliin muna ang manahimik at maging abala kaysa magsalita upang maiwasang makasakit ng damdamin ng iba. Lucky color: Red, lucky number: 3.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Marami kang tagahanga na laging nakabantay sa iyo. ‘Wag mas­yadong obvious kung napapalapit ang puso sa isang tao. Hindi siya ang iyong hinihintay na forever. May isang partikular na tao na nakalaan talaga para sa iyo. Maghintay-hintay. Lucky color: Gold, lucky number: 20.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Marami kang kailangang tapusin at alam mong may handing umalalay sa iyo anumang oras. Maaaring malagay sa alanganin ang iyong buong reputasyon kung hindi mag-iingat. May magandang sopresa na darating. Lucky color: Silver, lucky number: 27.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Gumawa ng bagay na hindi lamang makakatulong sa iyo kundi sa mga taong umaasa sa iyo. Sa pagkakataong ito, unahin muna ang kapakanan ng nakararami kaysa iyong sariling interes. Patunayan ang pagiging responsable. Lucky color: Violet, lucky number: 2.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maraming puwedeng pagkaabalahan kaysa magmukmok. Maging open sa tunay na nararamdaman. Magigising sa isang pamilyar na boses. Mag-uumpisa na ang pagdating ng mga suwerte sa iyong buhay. Lucky color: Blue, lucky number: 25.