Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/18/2018

By
142

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mapapawi ang anumang lungkot na nararamdaman. Lumabas at magpakaaktibo. Mag-gardening. Gamitin ang energy at creativity. May ginhawang hatid sa katawan ang sariwang hangin at physical activity. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Unahin ang kalusugan. Magigising na maayos ang pakiramdam. Huwag paapekto sa anumang negatibong kaganapan sa paligid. Mag-concentrate sa ginagawa para hindi magkamali. Lucky color: Brown, lucky number: 18.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May ­bagay na gustong bilhin pero hindi ma-afford. Bakit hindi mo na lang gawin o gayahin ito. ­Walang mawawala kung susubukan. Lucky color: Gray, lucky number: 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Perfect day para lumabas at mamasyal. Feeling positive at energetic. Subukang maglakad-lakad. Sa gabi, yayain ang mga kaibigan sa dinner. Lucky color: Green, lucky number: 11.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag malungkot kung hindi mo kasundo ang iyong ka-partner sa araw na ito. Pilitin na lang unawain ang kanyang mga kahinaan. Maging mapagpasensya. Lucky color: Blue, lucky number: 15.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sumali sa group activity. Matutuwa sa pakikisalamuha sa ibang tao. Mas unahin ang mga importanteng lakad. Huwag pansinin ang mga pasaway. Lucky color: Orange, lucky number: 7.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Remedyuhan ang tampuhan sa pamilya. Big­yan sila ng oras at panahon. Bumawi sa mga pagkukulang para umayos uli ang relasyon. Lucky color: Violet, lucky number: 2.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Umaksyon para sa ambisyon. Lahat ng ­bagay ay nag-uumpisa sa unang hakbang. Huwag ­matakot kung sa unang attempt ay may humadlang agad. Sumabay lang sa agos. Lucky color: Maroon, lucky number: 27.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Tanggapin ang inaalok na trabaho. Isulat ang mga gagawin para makapag-focus. ­Alisin na ang mga bagay na hindi mo nagagamit. Lucky color: Gold, lucky number: 45.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magiging maayos ang araw na ito. ­Maging confident dahil nasa iyo pumapabor ang mga pangyayari. Alagaan ang mga taong tunay na nagmamahal sa iyo. Lucky color: Silver, lucky number: 53.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ­Huwag sayangin ang oras. May mga bagay na kailangang palagpasin na lang. Ituring na pana­ginip ang mga nangyari. Wala nang magagawa kundi tanggapin ang lahat dahil tapos na ito at hindi na maibabalik pa. Lucky color: White, lucky number: 5.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maraming hatid na sorpresa ang araw na ito. Gawing routine ang exercise. Sagutin ang tawag sa telepono dahil ito na ang hinihintay na good news. Lucky color: Pink, lucky number: 22.