Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/19/19

401

Manuel Quezon
Kaarawan: Agosto 19, 1878
Madaling pakisamahan dahil sa magaang na awra. Siya ang klase ng tao na walang ‘masamang tinapay’ kaninoman. Lahat ay kasundo at lahat ay kaya niyang pakibagayan. Dahil sa nature nilang ito, madalas silang maloko at maabuso sa kanilang kabaitan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May mala­king pagbabago sa takbo ng iyong lovelife. Kung single ka pa, posibleng mas malalim na commitment ang kahantungan ng mga susunod na araw. Posibleng may malayong biyahe ngayong linggong ito. Lucky color: Violet, lucky number: 19.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung ano ang mga hinahanap mo sa iyong partner, ganun din ang dapat mong ibigay para sa mas masayang relasyon. Isang bagong kakilala ang lalapit at magiging espesyal na kaibigan. Lucky color: White, lucky number: 15.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mas handa ka ngayon na magdesisyon sa mga isyung may kinalaman sa pamilya. Isang dating kakilala ang hahanapin at hihingan ng tulong. ‘Wag kalimutang magpasalamat sa taong ito. Lucky color: Yellow, lucky number: 28.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kontrolin ang bugso ng emosyon. Siguraduhin munang tama ang hawak mong impormasyon bago mag-react. Mag-ingat sa salita na baka makasakit ng mga mahal sa buhay. Lucky color: White, lucky number: 8.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mas lulutang ngayon ang iyong galing sa negosyo. Maaari ring magkaroon ng dagdag na kita. Ilang mga kaibi­gan ang magiging daan para mapadali na mahanap ang bagay na matahal nang nawawala. Lucky color: Silver, lucky number: 4.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang kasiyahan ang magbubukas ng oportunidad sa mga single para magkaroon ng longtime commitment. Maraming pagbabago ang idudulot nito sa buhay mo. Lumayo sa isang malaking tukso. Lucky co­lor: Brown, lucky number: 40.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mas madali ngayon ang panalo. Itodo na ang effort sa lahat ng naumpisahan mong proyekto. Unti-unti nang aanihin ang bunga ng mga pagsisikap. Manatiling humble kahit na inuulan ng suwerte. Lucky color: Blue, lucky number: 30.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Malinaw sa iyo ngayon kung ano ang gusto mo pagdating sa iyong lovelife. Makatutulong din kung tuluyan mo nang itatapon ang mga bagaheng dala pa ng nagdaan. Isang Leo ang maaaring magkaroon ng espesyal na koneksyon sa iyo. Lucky co­lor: Green, lucky number: 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Iisang tao lamang ang dapat mong kumbinsihin kung kailangan mo nang mag-le­vel up sa isang bahagi ng buhay mo. Gawin ngayon ang gustong gawin. Sa lovelife, mananaig ang relas­yon kahit magkalayo. Lucky color: White, lucky number: 18.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kontrolin ang paggastos. Totohanin ang pagba-budget na matagal nang gustong simulan. Sa lovelife, kailangang ipaglaban ang damdamin sa taong alam mong karapat-dapat. Lucky color: Red, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang indibidwal ang sobrang naiintriga sa iyo. Ang dating pisikal na atraksyon ay may potensyal na maging mas malalim pa. May kokontra sa umpisa pero kalaunan ay magiging smooth din ang lahat. Lucky color: Gray, lucky number: 18.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mas mababasa mo ngayon ang mga taong nasa paligid mo. Ngayon mo mare-realize kung sino-sino ang totoo sa iyo. Importante ring magpakita ng loyalty. Lucky color: Yellow, lucky number: 10.