Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/19/2018

115

ARIES (Marso 21-Abril 19) –  Ga­wing espesyal ang araw na ito kasama ng mga mahal sa buhay.
Simulan ito sa iyong pamilya na nakakaligtaan dahil sa sobrang kaabalahan. Magpapagaan ito sa iyong pakiramdam. Lucky color: Silver, lucky number for today: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –  Nasa iyo ang lahat ng kakayahan para sumabak sa isang pagbabago. Ikonsidera na ang pagbitaw sa trabaho kung hindi na masaya. Papasok ka na sa bagong chapter ng iyong buhay. Lucky color: Gray, lucky number: 10.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) –  Maraming aberya ngayong araw. Pero huwag malungkot dahil lilipas din ang lahat. Tiyakin lamang na nakalatag nang lahat ang mga plano mo bago mag-umpisa. Lucky color: Pink, lucky number: 20.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Iwasan muna ang mga negatibo sa paligid. Bigyan ng time ang sarili para makapag-relax. Piliting maging produktibo para hindi masayang ang iyong araw. Lucky color: Blue, lucky number for today: 4

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May ilang sitwasyon na hindi mo na mababago, kahit ano pa ang gawin mo. Makabubuting tanggapin na lamang ito. Sa mga darating na araw, maiisip ang mga rason sa likod ng mga nangyari. Lucky color: Blue, lucky number: 18.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ang inaakala mong aberya ay mapapatunayang magbubukas pala ng pinto para sa bagong oportunidad. Ma­ging handa pagbabago. Lalong magiging malapit ng kasuyo dahil sa nalagpasang pagsubok. Lucky color: Maroon, lucky number: 51.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Sa pagkakataong ito, importanteng ma­ging tapat. Sabihin ang mga dapat sabihin at gawin ang mga dapat gawin. Humanda sa resulta ng isang desisyon. Panahon na para maging matalino sa lovelife. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Tipong pang-throwback ang araw na ito. Magbabalik ang mga dating alaala. Labanan ang kirot sa puso. Hind masamang ikonsidera ang muling pakikipaglapit sa isang kaibigan na nakasamaan ng loob. Lucky color: Yellow, lucky number: 17.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Umiwas muna sa anumang diskusyon. Mas kailangang pairalin ang diplomasya. Maging friendly sa bagong lugar. Idaan sa kalmadong pakikipag-usap ang anumang hindi pagkakaunawaan. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kung mabigat ang kalooban na gawin ang isang bagay ay huwag itong gawin. May bagong inspirasyon na hindi mo inaasahan. Posibleng may kinalaman ito sa isang bagong kakilala. Lucky color: Red, lucky number: 9.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi masamang subukan ang hindi mo pa dating ginagawa. Ipakita rin na may sarili kang desisyon at hindi makukuha sa dikta ng iba. Iwasang mamintas ng kapwa. Lucky color: Gold, lucky number: 18.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) –  Maraming distraksyon sa iyo sa araw na ito. Hindi rin masamang ibigay sa taong mahal mo ang iyong atensiyon. Ang ibang trabaho ay makapaghihintay lalo na kung nailatag naman nang maayos ang mga dapat gawin. Bilisan ang kilos para mas madaming matapos na trabaho. Lucky color: White, lucky number: 9.