Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/20/2018

By
105

Fernando Poe Jr.

(Kaarawan: Agosto 20, 1939)

Hindi priority ng mga lalaking Leo ang pag-iipon o pagti­tipid. Mas gusto nila na i-­enjoy ang paggastos o pag­bili ng magagandang ­bagay o gamit. Paborito nila ang ­kulay na gold at yellow ­dahil mahilig din silang makiuso sa ­fashion. Hindi lang sila magarbo sa pananamit kundi maging sa mga gamit sa bahay.

 

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May bagong pangyayari at may koneksyon ito sa aspetong pinansyal. Mag-adjust na lang kaysa magsisihan pa. Maaari kang malagay sa isang alanganing sitwasyon dahil sa isang taong malapit sa puso mo. Ingat sa paglalabas ng pera. Lucky color: Violet, lucky number: 14.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Resolbahin agad ang isang isyu sa loob ng pamilya. Walang dahilan para iatras mo ang isang matagal nang napagplanuhan. Kailangan lamang ng bahagyang adjustment. Makisama sa mga bagong kasamahan. Lucky color: Blue, lucky number: 22.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Nasa harap mo lang ang hinahanap mong kasagutan. Pero dahil nakatutok ka sa maliliit na bagay, hindi mo ito napapansin. Buksan ang mga mata at tala­san ang pakiramdam. Lucky color: Orange, Lucky lumber: 30.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Piliting lagpasan pa ang mga limitasyong itinakda mo para sa iyong sarili. Mas mara­ramdaman mo ang kalayaan kung sasamantalhin ang isang nabubuksang oportunidad. Lucky color: Yellow, lucky number: 28.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung hindi makuha sa isang try, ulit-ulitin ito at makukuha rin ito sa tiyaga. ‘Wag sumuko sa mga hamon ng buhay. Manatiling matatag at mapagpasensya. Lucky color: White, lucky number: 12.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Feeling mo naipit ka sa isang sitwasyon. Pero may isang tao ang nabebenepisyuhan dahil sa iyo. ‘Wag siyang kainggitan, darating din ang suwerte mo. Habaan pa ang pagtitiis. Lucky color: ­Silver, lucky number: 18.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi pa rin ganap na nakakalimutan ang nakaraan. Ang mga limitasyong ipinatutupad mo ay hindi uubra ngayon. Maging matapang sa pagta-try sa mga hindi pa nasusubukang bagay. Lucky color: Blue, lucky number: 10.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi masamang lumabas muna ng comfort zone. May kakampi ka naman sakaling hindi mo kabisado ang daan. Lakas ng loob ang kailangan para maisalba mo ang iyong maghapon. Lucky color: Orange, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Batid mo ang iyong mga kahinaan at kalakasan. Kung maaga itong tatanggapin, mas magi­ging madali rin sa iyo ang bagong trabaho. Isang bagong kakilala ang magi­ging love interest. Lucky color: Silver, lucky number: 1.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – Matutuksong gumastos ng malaking halaga sa pag-aakalang mababawi rin ito kaagad. Iwasang ­maging impulsive pagdating sa pera. Pagplanuhang mabuti ang mga gastusin at nang walang pagsisihan. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas nararamdaman mo ngayon kung ano ang pinaplano ng ilang taong nasa pali­gid mo. Hindi na nila kailangang magsalita para mabasa mo ang mga ikinikilos nila. Maging matatag sa napiling desisyon. Lucky color: Gold, lucky number: 52.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Sa isang sitwasyon na may kinalaman sa pananalapi, kailangang malaman mo kung kailan ka dapat mag-quit habang may nakukuha pang benepisyo. Huwag hintayin ang pagkakataong maubos ang pondo mo. Maging masinop. Lucky color: Silver, lucky number: 19.