Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/21/2018

178

Hayden Panettiere
American actress
Kaarawan: Agosto 21, 1989

Mahirap basahin ang personalidad ng mga babaeng Leo. Madalas na iba ang ipinapakita nila sa kanilang tunay na saloobin. Hindi madali para sa kanila ang magtiwala.

Bago mo makuha ang kanilang 100 porsiyentong full trust, ma­dami kang pagdadaanang pagsubok.

Abante Hiring – IT dep

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Lumabas sa araw-araw na routine. Kailangan mo na madag­dagan ang kaalaman. Huwag matakot na lumagpas sa limitasyon. Mag-explore ng mga bagong lugar. Tignan sa ibang perspective ang bagong mundong ginagalawan. Lucky color: Maroon, lucky number: 36.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Masaya ka ba sa kasalukuyang status ng iyong career? May mga hakbang na kailangang gawin. Bumisita sa mga online career sites. Huwag makuntento sa mga bagay na alam mo na may potensyal pa. Lucky color: Silver, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag matakot sa pagbabago. Makaka-adapt agad sa bagong paligid. Kung walang pagbabago, magi­ging boring ang buhay. Gawing isang malaking adventure ang nagiging takbo ng career. Lucky color: Lucky color: Brown, lucky number: 22.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Gawing inspirasyon ang mga pangarap. Mauulit ang isang panaginip. Himayin ang mga ito para makuha ang isang mensahe. Huwag basta maniwala lalo na kapag tungkol sa malaking pera ang usapan. Lucky color: White, lucky number: 7.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Sundin ang instinct. Makinig sa isang paliwanag. Namnamin ang bawat linya na sinasabi ng taong kausap. Kumilos pero mag-ingat sa mga delikadong hakbangin. Lucky color: Gray, lucky number: 33.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ­Punuin ang isip ng mga bagong kaalaman. Bumisita sa bookstore at magbasa ng mga interesadong topic. Maraming matututunan sa isang kaibigan. Pansinin ito at bigyan ng time. Lucky color: Violet, lucky number: 25.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pili­ting unawain ang nararamdaman. Walang ibang nakakaalam ng tunay na nangyari kundi ikaw. ­Labanan ang takot na nararamdaman. Maraming dapat sagutin para sa ikakatahimik ng damdamin. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Dalawin ang malalayong kaanak. Puwede mo silang paghugutan ng lakas para sa mga dinadalang problema. Hawakan ang mga bagay na gusto at nagpapasaya sa iyo. Lucky color: Orange, lucky number: 15.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ngayon ang tamang panahon para alamin sa sarili ang totoong landas na gustong taha­kin. Isantabi muna ang anumang makakasagabal sa maganda mong plano. Hindi paborable sa ­ngayon ang magka-lovelife. Lucky color: White, lucky number: 30.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kalmahin ang sarili. Walang idudulot na maganda ang sobrang galit. Isipin ang magagandang nangyari para mabawasan ang negatibong nararamdaman. Maging confident sa pagsasalita. Lucky color: Orange, lucky number 3.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ­Hanapan ng solusyon ang problema. Itigil na ang paninisi. Huwag nang ungkatin ang nakaraan. Magtiwala sa kakayahan na madiskubre ang tunay na kaligayahan. Lucky color: Violet, lucky number: 20.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Maraming paraan para lumawak ang kaalaman. Kahit may nakikita ka nang mga sensyales na parating na ang tagumpay na hinihintay mo sa iyong career, may pag-aalinlangan kang nararamdaman kung nasa tamang direksyon ka pa rin. Maging flexible sa mga plano. Lucky color: Green, lucky number: 24.