Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/22/2018

112

Phillip Salvador
Kaarawan: Agosto 22, 1953

Isinilang na may malakas na tiwala sa sarili. Kaya nilang solus­yunan ang bawat problema o pagsubok. Walang hindi kakayanin dahil sa taglay na abilidad sa ­halos lahat ng larangan.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mahihirapang tapusin ang ginagawa dahil sa bigat ng dinaramdam. Parang kulang ka sa energy ngayon. Ngayon ang tamang oras para pag-usapan ang ibang negosyo. Maging bukas sa pakikipag-usap o komunikasyon. Lucky color: Yellow, lucky number: 4.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kakaibang bugso ng energy ang mararam­daman pagkagising. Magiging matalas ang isip. Oras na para magbigay ng tulong pero mas unahin ang sariling pangangailangan. Lucky color: White, lucky number: 10.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May gusto ka pa bang marating? ­Alisin ang duda sa sarili. Magtiwala sa mga gagawing hakbang. Lucky color: Maroon, lucky number: 15.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Feeling tinatamad. Samantalahin ang magandang oportunidad. Lumabas at magpapawis. Huwag masorpresa sa mga darating na regalo. Lucky color: Pink, lucky number: 15.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May hatid na excitement ang bagong pinagkakaabalahan. Huwag pagtakpan ang nagawang pagkakamali. Mas mabu­ting umamin agad at humingi ng tawad. Lucky color: Gold, lucky number: 19.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ayusin ang anumang ginagawa. ­Ilagay sa tamang puwesto ang mga nakakalat na gamit para lumuwag din ang isip. Huwag gawing isyu ang bagay na matagal nang nangyari. Lucky color: Gold, lucky number: 41.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Handa ka sa anumang magaga­nap sa araw na ito. Ayusin ang approach sa taong kausap. Huwag seryosohin ang mga batikos, sa halip mas pagbutihin pa ang trabaho. Lucky color: Silver, lucky number: 9.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ngayon ang tamang araw para bigyan ng chance ang bagay na hindi nagtagumpay sa unang pagsubok. Babalik sa dati ang magandang relas­yon. Sabihin agad ang gustong sabihin para matapos ang anumang agam-agam. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Tignan sa ibang anggulo ang isyu na ibinabato sa iyo. Maging maingat sa damdamin ng ibang kasama. Kung may ideya, sahihin din ito agad para hindi makalimutan. Lucky color: Blue, lucky number: 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – Unahin ang mga na­iwang gawain. Maging busy para hindi malungkot. Sadyang may mga bagay na mahirap makalimutan lalo’t na’t sariwa pa ito sa isipan. Lucky color: Green, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Humanap ng ibang hobby. Ilayo muna ang isipan sa problema. Magpahangin. Panoorin ang pagsikat ng araw. Magiging maayos din ang takbo ng iyong buhay. Patuloy na manalig. Lucky color: Silver, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag magsinungaling. Patuna­yan ang katapatan. Kung tunay na mahal ang ka-partner, ngayon ang tamang oras para patunayan ang pagmamahal. Lucky color: Orange, lucky number: 18.