Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/23/2018

By
188

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Malilito sa isang sitwasyon. Kailangan mong malaman ang ugat ng mga hindi pagkakaunawaan sa pamilya. May mga impormasyon na hindi ipinararating sa iyo. Alamin ang mga ito. Lucky color: Gray, lucky number: 20.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May pagkakataon na kailangan munang manahimik. Mareresolba ang problema nang hindi napapansin. Mas marami kang matututuhan kung makikisa­lamuha sa iba’t ibang klase ng mga tao. Lucky color: Orange, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Huwag palakihin ang maliit na bagay. Sa halip na pumasok sa isang drama, daanin ang lahat sa kalmadong pakikipag-usap. Matuto sa hindi magandang karanasan. Lucky color: Maroon, lucky number: 54.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kontrolin ang kagustuhang magrebelde. Habaan pa ang pasensya sa isang taong masyadong nagi­ging ­mahigpit. Alam mo ang kakayahan mo kaya huwag ma-insecure. Balewalain ang sinasabi ng taong kinaiinisan mo. Lucky color: Red, lucky number: 19.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maging malambing sa kasuyo na mainit ang ulo. Mas kailangan ngayon ang iyong mahabang pasensya. Nasa iyo ang pagkakataon para gawing espesyal ang takbo ng iyong lovelife sa araw na ito. Lucky color: Orange, lucky number: 5.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Alala­hanin na lamang na hindi lahat ng tao ay mapapasaya mo. Kung sa paningin ng ibang tao ay may kulang sa iyo, ‘wag paapekto. Mas pagtuunan ang sariling buhay. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung inakala mong alam mo na ang lahat, masosorpresa ka sa isang pangyayari ngayon. Ikaw ang magiging center of attention sa araw na ito. ­I-enjoy lang ang libreng oras kahit na nag-iisa. Lucky color: Gray, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Bawat araw ay ituring na isang learning process. Marami kang bagong nadidiskubre hindi lamang sa iyong sarili kundi sa ibang tao. Tandaan ang leksyon na naiiwan sa bawat karanasan. Ipahinga muna ang pusong nasugatan. Lucky color: White, lucky number: 16.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Isang sikreto ang makakaapekto sa iyong lovelife. Magdudulot ito ng matinding tensyon kung hindi agad lilinawin. Alalahaning marami nang nagbago sa iyong buhay. Mas pagbutihin pa ang trabaho para ma-promote. Lucky color: Gold, lucky number: 22.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huwag lumagpas sa limitasyon. Lumayo sa isang tukso na magdadala sa iyo sa malaking gulo o eskandalo. Lumayo agad-agad para hindi na mahirapan pa. Lucky color: Green, lucky number: 11.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas magiging maayos ang paligid kung magpopokus muna sa isang isyu. Kakailanganing ayusin ang komunikasyon sa loob ng pamilya. Makakatulong ang matandang payo sa isang personal na plano na kailangan mo nang umpisahan. Lucky color: Pink, lucky number: 2.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ngayon na ang tamang oras para sabihin kung ano ang tunay mong saloobin sa special someone. Ngayon ang perfect moment. Mas magiging masalimuot ang sitwasyon kung patuloy mong iiwasan ang matagal nang problema. Lucky color: Gold, lucky number: 45.