Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/24/2018

By
230

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Gamitin ang araw na ito para matupad ang pangarap. ‘Wag nang pagsisihan at balikan ang mga naganap na. ­Bukas ang pintuan sa panibagong pagsubok. Alisin ang anumang agam-agam. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Huwag pansinin ang boses na galit. Huwag mag-alala kung hindi nangyari ang gusto. Sundin ang ruta na hindi mo pinlano. Gumawa ng isang bagay na hindi mo nasusubukan sa buong buhay mo. Lucky color: Gray, lucky number: 33.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May kakaibang ningning sa mga mata. Panindigan ang ipinu­punto. Hanapin ang tao na sasagot sa iyong mga tanong. Importanteng masabi ngayon ang mga gustong sabihin. Lucky color: Red, lucky number: 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Dadalhin ka sa isang exciting na paglalakbay sa buhay. Pag-usa­pan ang pilosopiya at relihiyon. Pumasok sa isang hobby na gusto. Dagdagan ang kaalaman. Gamitin ang malakas na kapangyarihan na emos­yon. Lucky color: Brown, lucky number: 33.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May pagka-­intense ang araw na ito. Huwag mabahala dahil magliliwanag din ang lahat. Ibalik ang pagi­ging masiyahin. Marami ang matutuwa sa iyong mga joke o biro. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Araw mo ngayon. Magugulat sa suporta ng mga kaibigan. Pumunta sa harapan at ipakita ang taglay na katangian. Marami ang lalapit at sasali sa iyong grupo. Lucky color: Maroon, lucky number: 25.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – ­Maganda ang mood. Walang dahilan para maging negatibo. Gawing magaang ang mood. Saka na isipin ang consequences ng ginawa. Mas mabuting huwag sabihin ang isang sikreto na matagal nang nakatago. Lucky color: Gold, lucky number: 29.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag balewalain ang nararamdamang sintomas. Huwag matakot kung hindi natuloy ang plano. Lucky color: Gold, lucky number: 15.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kaya mong gawin ang lahat ng nasa isipan. Biglang magbabago ang isip dahil sa nangyari. Kausapin ang kasuyo bago magtampo. Lucky color: ­Yellow, lucky number: 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Pag-isipan muna bago ka pumasok sa isang kompromiso. Bagama’t gusto mong ikaw ang masunod, kailangan mo ring ikonsidera ang damdamin ng mahal mo. Lucky color: White, lucky number: 18.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ­Maging realistic pagdating sa bawat plano. May pagkakataong hindi maiiwasan ang aberya. May mga bagay na dapat ikonsidera bago pumasok sa relas­yon. Lucky color: Red, lucky number: 21.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Hindi mo kailangang diktahan ang iba. Sabihin ang iyong opinyon. Ikaw lamang ang mahihirapan kung patu­loy kang magkukunwari. Lucky color: Blue, lucky number: 7.