Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/24/2019

440

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung may sensitibo kang dapat sabihin, ngayon mo ito gawin habang kalmado ang kapaligiran. Papaboran ngayon ang aspeto ng komunikasyon. Gamitin ang pagkakataong ito para ayusin ang mga dapat ayusin. Lucky color: Blue, lucky number: 22.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – ‘Wag hayaang maapektuhan ng mga isyu ang iyong araw. Lahat ng bagay ay may solusyon at marami naman ang handang tumulong. Kailangan mo lamang magtiis muna habang naghihintay ng perfect timing. Lucky color: Blue, lucky number: 20.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ang isang dating kinatatakutan mo ay magiging mas malinaw at makikita mong wala namang dahilan ang naram­damang mong takot. Kailangan mo lamang gumawa ng ilang hakbang habang maaga pa. Lucky co­lor: Violet, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ‘Wag nang magulat kung magkaroon ng ilang pagkakataon ngayon at sa susunod pang araw. Ang mga pagbabagong ito ay magdudulot ng sigla sa iyong buhay. I-enjoy lang ang mga pangyayari. Lucky color: Violet, lucky number: 44.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi sapat na dahilan ang mga propesyunal na diskusyon para hindi mo ma-enjoy ang isang kasamahan sa trabaho. ‘Wag personalin ang opinyon ng iba. Respeto lamang ang dapat mong pairalin. Lucky color: Yellow, lucky number: 4.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang bagay na nagdulot ng pagkabalisa sa ilang araw ang malilinawan. Makikita mo na kung saan ito nag-ugat. Ayusin ang sarili dahil marami kang dara­ting na bisita. Lucky color: Yellow, lucky number: 19.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pinapaboran ang pagbibiyahe pero may kaun­ting hassle. Maaring pagmulan ng hindi pagkakaunawaan kung sasarilinin mo muna ang desisyon. Nasa huli ang iyong halakhak. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maraming taong handang tumulong sa iyo. ‘Wag nang pairalin ang pride dahil ikaw ang may kaila­ngan. Ang isang kasagutan na matagal mo nang ina­abangan ay makikita mo na. Lucky color: White, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Kalimutan na kung anuman away sa pamil­ya. Magpokus na lamang sa kasalukuyan at sa hinaharap. Mas makakapagsimula ka nang magaan sa iyong kalooban kung walang dala-dalang bagahe ng nakaraan. Lucky color: Orantge, lucky number: 38.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – ‘Wag nang magtaka kung wala ka sa mood. Sad­yang may mga araw na mabigat dalhin. Ang isang pagod na isip ay naghihintay ng sapat na pahinga at pagrerelaks. ‘Wag itong ipagkait sa iyong sarili. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mas mabigat ngayon ang mga nangyayari, mas marami ring kalituhan. ‘Wag panghinaan ng loob dahil sandali lamang ito at muli ring magbabalik sa normal ang takbo ng iyong buhay. Lucky color: Blue, lucky number: 22.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Gamitin ang iyong taglay na karisma para sa planong negosyo. Mas madali mong magagawa ang mga dapat gawin kung walang kontra sa iyong paligid. Daa­nin ang lahat sa diplomasya at masinsinang pag-uusap. Lucky color: Silver, lucky color: 51.