Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/25/19

470

Blake lively
Kaarawan: Agosto 25, 1987
Masipag, maalaga at gagawin ang lahat hangga’t hindi mo sila inaawat. Wala silang reklamo sa buhay. Masayahin lalo na kapag lagi nilang kasama ang mga mahal sa buhay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kung nararamdaman mong may magagawa ka sa isang sitwasyon, gawin ito. Hindi ito ang oras para magsawalang-kibo. Lucky color: Red, lucky number: 10.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mas nagiging positibo ang isang ideya kung ibinabahagi ito at dini-discuss sa ibang tao. Gawin ito ngayon at makakabuo ka ng mas epektibong estratehiya sa isang malaking plano. Lucky color: Yellow, lucky number: 7.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Tumulong nang walang hinihintay na kapalit. Kung hindi man ngayon ay aanihin ang itinanim na kabutihan sa pagdating ng panahon. Maging confident sa taglay na talent. Lucky color: Gray, lucky number: 2.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Makakatanggap ngayon ng isang sulat na may good news. Bunga ito ng iyong effort sa mga nagdaang araw. Deserve mo ang lahat ng ito kaya mag-enjoy at mag-celebrate. Lucky color: Yellow, lucky number: 34.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Iwasang masyadong mag-worry. May mga isyung panahon lamang ang makakalutas. Sa gitna ng mga alalahanin, dapat mong bigyang pansin ang iyong kalusugan. Mag-ingat sa sobrang pagkain. Lucky color: Brown, lucky number: 24.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May magagawa ka para baguhin ang isang sitwasyon. Hindi mo kailangang manood lamang sa isang tabi. Kailangan mong umaksyon at dapat ASAP na. Lucky color: Silver, lucky number: 27.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22)– May opsyon kang magsawalang-kibo o umaksyon. Alam ng puso mo kung saan ka dapat lumugar, gawin ito. Magsalita para sa ikatatamik ng mga kasamahan. Lucky color: White, lucky number: 7.

SCORPIO (Oktub­re 23-Nobyembre 21) – Maaaring maging isyu ang tila pagpapasunod sa iyo ng isang indibidwal. Kung hindi mo matanggap ang kanyang mga iginigiit, sabihin ito at huwag magtiis. Magsalita nang harapan. Iwasang mag-comment ng hindi maganda. Lucky color: Gray, lucky number: 19.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Huwag sa­yangin ang pera sa pagbili ng isang bagay na hindi mo naman magagamit. Kontrolin ang paggastos. Mahirap maubusan ng budget nang walang ibang maasahan. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – ‘Wag maliitin ang magagawa mo. Kaya mong maging mas produktibo kung magtitiwala muna sa sariling kakayahan. Mag-chill ka lang kasama ng pamilya. Lucky color: Violet, lucky number: 4.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magtiwala sa nararamdaman pagdating sa isang alanga­ning sitwasyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging sunud-sunuran ka lamang sa kagustuhan ng iba. Lucky color: Black, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Sa halip na makuntento sa ‘puwede na’, mas iangat pa ang iyong expectation. I-boost ang kumpiyansa ng kasuyo. Walang ibang gagawa nito kundi ikaw lang. Lucky color: Peach, lucky number: 13.