Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/26/2018

By
226

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Distansiya muna at pag-aralan kung nasa tamang direksiyon ka. Posibleng nalihis ka na nang hindi namamalayan dahilan sa ilang tukso. Magpakatatag sa isang mala­king pagsubok na darating. Lucky color: Brown, lucky number: 22.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) –  Hindi masamang maging mapili ng kaibigan. Minsan ka nang umasa kaya ayaw mo nang maulit pa ito. Mas pakinggan ang sinasabi ng nakararami. Lucky color: Orange, lucky number: 37.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Sobra ang ibinubuhos na atensiyon sa isang bagay at indibidwal. Tanungin ang sarili kung nasa tama o mali ang desisyon. Makatutulong kung magrelaks muna habang mainit pa ang sitwasyon. Lucky color: Brown, lucky number: 5.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) –  Malilibang sa maraming tao sa paligid. Ibalanse ang oras sa dalawang bagay na importante sa iyo. Kailangan mong maging kalmado dahil maraming tao ang nag-aabang sa gagawin mo. Lucky color: Orange, lucky number: 17.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Hindi na balanse ang nangyayari ngayon sa iyong buhay. Mas napapaboran ang isang indibidwal sa paligid mo. May kailangan kang gawin para mabago ang maling ikinikilos. Lucky color: Maroon, lucky number:13.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Pag-aralan kung hanggang saan lamang ang kaya mong gawin para sa ka-partner. Kung may mga kailangan kang kausapin, gawin ito habang maaga. Magiging maa­yos ang lahat kung gagawa ng schedule. Lucky color: Brown, lucky number: 25

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Ipagtanggol ang tamang opinion. Panahon na para magsalita. Matagal ka nang napapaikot ng iyong pride. Isangguni na sa mga kasama ang malaking desisyon na gagawin. Lucky color: White, lucky number: 3.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hindi solusyon ang komprontasyon. Magpokus muna sa labas ng problema. Walang maitutulong ang sobrang init ng ulo. Kumalma at huminga nang malalim. Lucky color: Pink, lucky number: 12.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) –  Balikan ang iniaalok na magandang oportunidad. Lutasin agad ang isang isyu. Huwag patangay sa emosyon. Maging praktikal sa pagresolba ng isyung ito. Lucky color: Red, lucky number: 56.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang paghamon ang magbibigay ng sigla sa career. May malaking epek­to ang pera sa kabuuan ng araw mo. Kaunting kontrol sa paggasta. Lucky color: Gold, lucky number: 29.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang pagbabago ang nagdudulot sa iyo ng pangamba. Manatiling kalmado sa gitna ng kabanata na ito ng iyong buhay. Abot-kamay na ang isang matagal nang minimithi. Lucky number for today: 4

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May madaragdag sa listahan ng mga obligasyon. Hindi puwedeng laging umpisa lamang. Tapusin na ang iba para hindi ka matambakan. Lucky color: Violet, lucky: 30.