Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/27/2018

By
170

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Masasangkot sa tensyon. Isipin na mabilis ang takbo ng mga bagay-bagay at kahit maliit na bagay ay mabilis na napapalaki. Huwag nang ipilit ang imposible. Tanggapin ang mali at mag-move on. Lucky color: Gray, lucky number: 11.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mapu-frustrate lang kung lalabanan ang mga pangyayari. Kung anuman ang sitwasyon ngayon, gawin ang nararapat. Marami kang regalo na puwede mong ipagmalaki at ipagpasalamat. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Piliting maging balanse ang buhay. May puwersa na pilit kang winawasak. Mag-ingat sa taong malalapit sa iyo. Huwag bumitaw sa bagay na alam mong tama. Lucky color: Red, lucky number: 21.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mahirap labanan ang tukso. Pero nasa iyo ang kontrol kung magpapaimpluwensiya dito. Ingat sa paglalahad ng opinyon. Makinig sa opinyon ng iba at baka may matutunan ka pa. Lucky color: Yellow, lucky number: 35.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mara­ming pagsubok. May tensyon sa paligid na puwedeng sumambulat anumang oras. Mas mabuti kung lumayo muna para hindi ka madamay. Kailangang lawakan ang pang-unawa para malutas ang isyung ito. Lucky color: Silver, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ­Magigising sa dis-oras ng gabi. Kung anuman ang dinadalang problema, makakaapekto ito sa iyong maghapon. Huwag lumaban sa taong isa lang ang pinaniniwalaan. Wala kang mahihita dito kaya’t mas mabuting manahimik. Lucky color: Gold, lucky number: 45.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Makakaramdam ng instant connection sa bagong nakilala. Hindi maiwasang mag-ilusyon dahil para kang nasa alapaap. I-enjoy lang ang pakiramdam na puwedeng maging pangmatagalan. Lucky color: White, lucky number: 18.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Bigyan ng chance ang taong may gustong patunayan. Kahit na magkaiba kayo ng opinyon, may rason sa bawat pangyayari. Mag-stick sa routine. Huwag magpaapi. Lucky color: Maroon, lucky number: 7.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Asahan ang maraming pagtutol sa gagawin. Kumilos agad para maliwanagan ang mga isyu. Deretsahin ang taong kausap dahil ­dalawa lang ang puwedeng mangyari ngayon: mauuwi sa away ang pag-uusap o magkakabati na kayo. Lucky color: Violet, lucky number: 15.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Alisin ang mga alalahanin. Mas lalong walang magagawa kung puro takot ang paiiralin. Pag-­isipang mabuti ang gagawing mga hakbang. Lucky color: Silver, lucky number: 44.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Palayain ang kaisipan sa mga bagay na gumugulo sa isip. Lalabas ang pagiging creative. Nasa mood kang magsalita ngayon. Samantalahin ang libreng oras para asikasuhin ang sarili. Lucky color: Pink, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Feeling war freak sa araw na ito. Pakiramdam mo na ikaw ay pinagkakaisahan. Ingat sa pagpapa­kalat ng ­maling impormasyon. Puwedeng mauwi sa away ang maling balita. Lucky color: Black, lucky number: 38.