Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/27/2019

332

Ogie Alcacid
Kaarawan:
Agosto 27, 1967

Maabilidad at kayang lusutan ang anumang prolema. Malakas ang karisma sa mga nakababata sa kanila dahil marami ang gustong matuto sa kanilang mga karanasan sa buhay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – ‘Wag ipagdamot ang matamis na ngiti. Mag-iiba ang pakiramdamam sa paligid kung pipiliting makisaya. Iwasang magpatangay sa bugso ng emosyon. Sarili mo ang unang nahihirapan kung hindi kokontrolin ang galit. Lucky color: Gray, lucky number: 15.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Posibleng magkaroon ka ng hindi inaasahang problema. Dahil ito sa sobrang kabaitan. May isang taong nagsasamantala sa iyong pinaghirapan. Buksan ang mga mata sa mga taong nagbabait-baitan lang. Lucky color: Green, lucky number: 10.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Sa aspeto ng romansa, maaari kang malagay sa ala­nganing sitwasyon. Mas marami ang magiging hadlang at negatibong idudulot kung ipipilit mo ang isang kagustuhan. Ngayon pa lamang piliin na ang dumistansya para hindi masaktan. Lucky color: Red, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Iwasang magbigay ng commitment, mahihirapan kang tuparin lahat dahil sa pagiging busy. Posible ring madismaya sa iyo ang isang taong malapit sa puso mo. Ingat sa mga ikinikilos. Lucky co­lor: Green, lucky number: 1.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mayroon kang isang bagay na matagal mo nang gustong gawin. Sa mga naunang pagkakataon, laging maraming hadlang para rito. Sa araw na ito, magbubukas na ang hinihintay mong oportunidad. ‘Wag sayangin ang pagkakataon. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 3.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) –Mahirap para sa iyo ang tumanggi lalo na sa mga malalapit na kaibigan at kapamilya. Pero hindi lahat ay kaya at dapat mong gawin para sa kanila. Mas unahin ang sariling kapakanan. Lucky ­color: Red, lucky number: 48

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pinapaboran ang aspeto ng romansa. Tiyakin lamang na nasa tamang indibidwal ang atensyon mo at wala sa iba. Malakas ang kaway ng tukso kaya mag-ingat sa mga bagong atraksyon. Lucky color: Blue, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Kung gusto mong maging positibo ang pakiramdam mo, doon ka muna maglalapit sa mga taong may positibong pananaw. Iwas muna sa mga tao na walang ibang topic kundi ang buhay ng iba. Lucky color: Orange, lucky number 30.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Kapag may napapasaya kang tao, sumasaya ka rin. Gawin ito ngayon at higit na magiging espesyal ang araw na ito para sa iyo. Itigil na ang self pity. Maraming dapat gawin para maibangon ang sarili. Lucky color: White, lucky number: 8.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Paborableng araw ito para magkaroon ng mga bagong kaibigan. Hindi kailangang limitahan sa propesyunal na koneksyon ang magiging kaibi­gan. Bigyan ng laya ang sarili na gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Lucky color: Gold, lucky number: 52.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Marami kang gustong patunayan. Ngunit kailangan mong maging praktikal at piliin lamang kung ano ang importante. Ito ang pagbuhusan mo ng effort para mas malamang ang tagumpay. Lucky color: Violet, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magi­ging madali para sa iyo ang lahat ng gusto mong mangyari sa araw na ito. Pero ‘wag ding masyadong magkumpiyansa sa mga taong nagpapa­kita ng kabaitan sa iyo. Kilatisin mong mabuti ang mga tao sa paligid mo. Lucky color: Peach, lucky number: 31.