Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/28/2018

164

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May mga lilitaw na aberya sa mga plano. Isipin ang mabilis na paglipas ng araw. Huwag sayangin ang oras sa drama. Tapusin ang mga trabaho na nakabinbin. Maraming puwedeng tuklasin sa iyong paligid. Lucky color: Brown, lucky number: 7.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May kakaibang ganap sa paligid. Piliting makaka­wala sa kinasangkutang gulo. Iwasang ­magreklamo, mas mabuti pang gawin na lang ang ­trabaho at magpasalamat. Lucky color: Green, lucky number: 32.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ibalanse ang buhay. Hindi makakamit ang peace of mind kapag napabayaan ang isang parte ng buhay na mahalaga sa iyo. May malakas na energy na susubok sa iyong pasensya. Magtiwala sa sariling judgment. Lucky color: Yellow, lucky number: 3.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May haharaping challenges sa trabaho. Mahirap ito subalit makakaya mo rin. Ingat sa mga ideya na ilalabas. Makinig sa aral na galing sa ibang tao. Lucky color: Violet, lucky number: 6.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May ten­syon na posibleng sumabog anumang oras. May hindi inaasahan na bisita. Gawing magaang ang trabaho. Huwag masyadong seryoso. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Lumayo sa mga taong negatibo. Hindi mo kailangang ipilit ang isang bagay. Kusa itong lalapit kung sadyang para sa iyo. Magiging matimbang ang taong lagi mong kasama. Lucky color: Red, lucky number: 45.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Biglang may malamig na ihip ng hangin. Makakaramdam ng kakaibang feeling na hindi maintindihan. Samantalahin ang isang imbitasyon para makapag-relax. Lucky color: Red, lucky number: 23.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Bigyan ng oras ang mga kaibigan. Hindi mo kailangang seryosohin ang isang biro. Matu­tuwa sa taong kausap ngayon dahil sa kaka­ibang hatid na saya nito sa iyong araw. Lucky color: Gold, lucky number: 1.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Biglang mag-iiba ang pakiramdam. May kakaibang init na dadaloy sa iyong katawan. Mag-stretching. Gumalaw at ­huminga nang malalim. Lucky color: Green, lucky number: 45.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ipagpaliban muna ang malaking desisyon. Ihanda ang sarili sa magaganap na pagbabago. Huwag matakot dahil para din ito sa iyong kabutihan. Lucky color: Blue, lucky number: 4.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Magiging espesyal ang araw na ito. Hawakan at ingatan ang hawak na baraha. Galingan ang pangangatwiran para hindi mapagalitan. Unti-unting magliliwanag ang bagay na gumugulo sa isipan. Lucky color: Violet, lucky number: 17.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ingat sa mga kuwento na hindi mo alam kung saan nanggaling. Oras na para gawin ang mga bagay na matagal nang gustong gawin. Tanggaping hindi kayo para sa isa’t isa. Unti-unting mag-move on para sumaya. Lucky color: Red, lucky number: 30.