Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/28/2019

314

Shania Twain
Kaarawan:
Agosto 28, 1965

Marami sa mga babaeng Virgo ay matatalino at may malakas na sense of humor. Kaya nilang makisalamuha sa halos lahat ng klase ng tao. Nagagawa nilang pasayahin ang isang sitwas­yon na malungkot kaya naman nalilinya sila sa pagiging counselor, therapist at psychologist.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May matatanggap na mensahe na makakagulo sa isipan. Dahil ito sa kawalan ng detalye kaya nanghuhula ka kung sino at ano ang pinatutungkulan. Malalaman ang tunay na kahulugan nito sa bandang hapon. Lucky color: Red, lucky number: 38.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Mahirap din ang sobrang ingat dahil matatakot kang subukan ang iba’t ibang bagay sa buhay. Itapon sa bintana ang sobrang takot at gumawa ng mga bagay na bago sa iyo. Subukang mamasyal na mag-isa para maramdaman ang tunay na kalayaan. Lucky color: Gray, lucky number: 17.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May pilit na tumutukso sa iyo. Ingat lang dahil mas ma­tindi pa ito sa iyong inaakala. Kung gusto mong maglaro, sumige ka pero ‘wag mong hanapin ang totoong saya na hinahanap mo. Lucky color: Maroon, lucky number : 33.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May mga bagay na dapat pahalagahan. May negatibong epekto sa buhay ang sobrang pag-iisip. Tangga­pin ang anumang dumarating. Mag-chill. Harapin ang mga bagay na inaalam mo para matahimik ka na once and for all. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Marami kang kaibigan. Dahil sa pagiging sobrang busy, unti-unting mararamdaman ang sobrang pagod. Kaila­ngan mo ngayon ng suporta at makakausap. Umiwas muna sa anumang aktibidad na uubos sa iyong lakas. Lucky color: Green, lucky number: 29.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi pabor ang araw na ito para pagurin ang sarili. Makukumpleto ang gagawing malaking hakbang sa buhay. Magiging kalmado ang iyong buhay sa bagong career. Umupo sa isang tabi at i-enjoy ang magandang view ng paligid. Lucky color: Maroon, lucky number: 20.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Maganda ang gising. May ilang bagay sa buhay na kailangan nang magandang simula. Mag-travel. Ma­ging aktibo hangga’t may libreng oras. Lucky color: Violet, lucky number: 49.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Sampung ulit ang magiging balik ng suwerte sa iyo. Magugulat din ng bonggang regalo. Ang dapat lang ingatan ngayon ay ang hawak na dokumento. Lucky color: Green, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Ayusin ang bihis dahil may papara­ting na espesyal na bisita. Kung naiilang sa iyong kasamahan, lumayo muna kung hindi mo pa itong kayang kausapin. Isang karanasan ang may magandang aral. Namnamin ito at gawing inspiras­yon. Lucky color: Orange, lucky number: 9.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huwag matakot na salungatin ang sinasabi ng minamahal. Alisin ang mga malas sa loob ng bahay. Idaan sa masinsinang usapan ang hindi pagkakaunawaan. Lucky color: White, lucky number: 19,

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi kailangang sumigaw kung may nais na ipaunawa sa mga tao sa iyong paligid. Sapat nang ipaliwanag ang iyong side. Itigil ang anumang ginagawa kung napapagod. Walang masama kung magpahinga kahit saglit. Lucky color: Gold, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang kaibigan ang nangangailangan ng iyong tulong. ‘Wag magpadalos-dalos sa paglalabas ng mala­king halaga. Alamin muna kung totoo ang kanilang sinasabi. Mahirap nang maloko dahil sa sobrang kabaitan. Lucky color: Blue, lucky number: 50.