Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/29/2018

By
217

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Lalong mang malalim ang koneksyon sa isang espes­yal na indibidwal. Malaki ang maitutulong niya sa mga susunod na araw. Labanan ang matin­ding lungkot. Dalawin ang mga kaibigan para may makausap. Lucky color: Green, lucky number: 37.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang plano ang puwedeng magka­aberya. Kailangan mong ayusin ang gulo habang maaga. Huwag munang mag-­usisa habang mainit pa ang isyu. Makiramdam muna at manahimik. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Kailangan mo nang kumawala sa taong matagal nang kumukontrol sa iyo. Maki­pag-usap nang masinsinan. Ikaw na ang maunang lumapit at makipag-­ayos. Masarap sa pakiramdam ang ma­ging malaya. Lucky color: Maroon, lucky number: 35.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Hindi kailangang magalit. Puwede namang magkasundo sa gitna para parehas ang laban. Gawin ito upang maisalba ang magandang relasyon. Kalimutan muna ang pride. Lucky color: Maroon, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Magi­ging emosyonal ang araw na ito. May mabubuksan na isang malaking sikreto. Sarilinin muna ang opinyon ­kahit kontra ka pa sa mga naririnig mo. Hindi makatutulong ang pakikipagtalo. Lucky color: Brown, lucky number: 18.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Linawin kung ano talaga ang gusto mo, maaaring hindi agad ito nakukuha ng ilang tao sa paligid mo. Tanggapin ang alok na trabaho. Ito na ang simula ng iyong suwerte. Lucky color: Pink, lucky number: 13.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Habaan ang pasensya. Ituwid ang maling nagawa. Pagsisihan ang kasalanan. Walang ibang makakalutas ng problema kundi ikaw din. Ikonsidera ang planong paglipat sa ibang lugar. Lucky color: White, lucky number: 5.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Mapupuno ng inspirasyon ngayong araw na ito. Isang special someone ang magbibigay sa iyo ng motivation para magpatuloy sa mga plano mo sa buhay. Sundin lamang ang sinasabi ng iyong puso at hindi ka magkakaproblema. Lucky color: 34, lucky number: 20.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Masusubukan kung gaano kahaba ang iyong pasensya. May mga taong mahirap pakisamahan. Hindi makakatulong kung ipagpipilitan mo ang gusto mo. Daanin ang lahat sa diplomasya at malumanay na pag-uusap. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – Maraming nakaka-­appreciate sa iyong kabutihan at kagandahang loob. Makakatanggap ng espesyal na atensyon. Gawin ang tama at para sa kapakanan ng nakararami. Lucky color: Orange, lucky number 10.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maaaring masubukan ang husay mo bilang lider. Malalagpasan ang isang masalimuot na sitwasyon. I-focus ang atensyon sa pamilyang napabayaan. Lucky color: Maroon, lucky number: 31.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May ilang hahadlang sa iyong landas. Huwag pansinin ang mga pasaring. Dumeretso sa paglakad. Lawakan pa ang pang-unawa para maiwasan ang awayan. Lucky color: Blue, lucky number: 2.