Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/29/2019

370

Iwa Moto
Kaarawan:
Agosto 29, 1988

Kilala sila sa pagiging malambing pero matapang lalo na kung galit. Isang katangian na naiiba sa kanila ang pagiging extra understanding. Madali silang magpatawad kahit na matindi ang naging kasalanan sa kanila ng isang tao.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Ikaw ay isang matalinong tao kaya’t ‘wag bigyang pansin ang mga insecurities. May tamang oras para sa bawat bagay. ‘Wag kainipan ang mga pangyayari. Kalma ka lang at hayaang dumating ang mga nakalaan para sa iyo. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Punumpuno ka ng opinyon. Hindi dapat bigyang puwang ang hiya. Malayo ang mararating sa buhay kung lalakasan ang loob. Magtiwala sa sa­rili bago asahan ang tiwala ng iba. Lucky color: Maroon, lucky number: 20.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ang mga naunsyaming plano ay muling balikan. Isang indibidwal ang may gustong i-share sa iyo. ‘Wag siyang harangin para makalapit sa iyo. Lucky co­lor: Brown, lucky number : 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Aksyon ang kailangan pagdating sa iyong lovelife. ‘Wag petiks dahil baka maunahan ka ng iba. Hindi makukuha ang target mo kung maghihintay lamang sa isang tabi. Kumilos ka. Lucky color: Gray, lucky number: 40.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Marami ang humahanga sa iyong mga ideya pero mas marami ang naiinis dahil masyado kang pabida. Ang lahat ng plano ay hindi magiging produktibo kung mananatili itong plano lamang. Lucky co­lor: White, lucky number: 40.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi nakakatulong kung patuloy mong ililihim ang damdamin. May pagkakataong kailangan mo ring magpahiwatig at magparamdam. Ikaw din ang mawawalan kung pakakawalan ang isang magandang premyo. Lucky color: Maroon, lucky number: 15.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Loyalty ang importanteng susi sa araw na ito. Sa lovelife, maraming tukso sa paligid pero mas dapat manaig ang katapatan. Sumubok ng ibang diskarte para makaiwas sa tukso. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang mga ‘di pagkakaunawaan sa nagdaang araw ay maghihilom na. Kalimutan na ang pride at ikonsidera ang nalalapit na Pasko. Bigyan ng pagkakataon ang isang taong humihingi ng iyong kapatawaran. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) –Nakasentro sa romansa ang araw na ito. Malaki ang papel ng iyong partner para malasap ang tamis ng pagsasama. ibahagi sa kanya ang mga magagandang bahagi ng pagsasama. Lucky color: Maroon, lucky number: 56.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May drama at aksyon sa araw na ito na maa­ring konektado lahat sa iyong lovelife. Maaring magkasalungat ng opinyon pero mananaig ang espesyal na relasyon. Piltiing maging balance ang lovelife. Lucky color: Blue, lucky number : 6.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang offer ang ilalapit sa iyo na sa tingin mo ay wrong timing. Pag-isipan itong mabuti. Maghintay pa ng ilang araw bago tuluyang magdesisyon. Lucky color: Violet, lucky number: 40.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ikaw ang nagdadala at nagpapatatag sa iyong relasyon. Maging sweet sa taong pagod. Kailangan niya ng kaunting hagod kasama ng iyong matamis na ngiti. May exciting news mula sa malayo. Lucky color: Peach, lucky number: 19.