Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/30/2018

By
161

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang kaibigan ang hindi sisipot sa usapan. Iwasan munang mag-isip nang hindi maganda. Malamang na na-traffic lang ito. Tawagan ito at kamustahin. Bisitahin mo na lang siya sa ibang araw. Lucky color: Pink, lucky number: 19.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Manatili muna sa bahay. Makinig ng music o magbasa ng libro. Maraming gustong gawin pero wala sa mood. Mas mabuting magpahinga na lang muna at mag-relax. Lucky color: Red, lucky number: 30.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Bad timing para maglabas ng pera. Huwag munang pumasok sa anumang kasunduan o investment. Walang mawawala kung ipagpapaliban ang gagawin. Lucky color: White, lucky number: 7.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May kaunting tampuhan ng kasuyo. Magpalipas muna ng ilang araw bago pag-usapan muli ang isyu. ­Huwag masyadong seryoso. Mas mabuting mag-joke para sumaya ang mood. Lucky color: Gray, lucky number: 10.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Maiintriga sa isang bagong kasamahan. Huwag nang guluhin ang isip sa mga bagay na nangyari na. Manood ng TV para malibang. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ­Asikasuhin ang negosyo. Magiging maluwag ang oras sa araw na ito. Gawing magaan ang pakiki­pag-usap sa kasuyo. Isalba ang relasyon hanggang kaya mo pa. Lucky color: Green, lucky number: 15.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kaunting tipid. Mahirap maubusan ng pondo sa mga araw na darating. Kausapin ang taong lumalapit. Ihanda ang sweet smile sa taong madalas na makasalubong. Lucky color: Silver, lucky number: 8.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May parang hinahanap. Kung anuman ito, ikaw lang ang tanging nakakaalam. Mas mabuting mag-spend ng oras kasama ng pamilya. Kailangan mo ngayon ng kanilang pagmamahal at suporta. Lucky color: Gray, lucky number: 1.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Romansa at pagsasaya ang magiging sentro ng araw na ito. Bigyan ng pagkakataon ang iyong sarili na makapagrelaks ngayong weekend. May naghihintay na espesyal na regalo pag-uwi mo sa bahay. Mag-celebrate. Lucky color: Blue, lucky number: 34.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Usapin na may kinalaman sa pamilya ang makakaagaw ng iyong oras. Mag-focus sa positibong bagay. Doblehin din ang pag-iingat sa mga gamit. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ­Timbangin ang oras sa pamilya at trabaho. Itama agad ang mga maling nasabi. Magtanong kung may hindi naiintindihan sa mga sinabi ng kausap. Lucky color: Orange, lucky number: 16.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May kokontra sa iyong mga plano. Bilisan ang trabaho para makaabot sa deadline. Huwag pilitin ang sarili sa isang bagay na ayaw mo. Tumingin sa ibang direksyon para makita ang hinahanap. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.