Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/30/2019

383

Cameron Diaz
Kaarawan: Agosto 30, 1972
Tahimik pero matinik kung mag-isip. May ibang diskarte sa buhay. Hindi siya ang klase ng babae na sumasakay sa uso. Mas type niya na low profile pero lumalaban. Kaya lang isa sa weakness nila ang pagiging madaldal. Hindi sila puwedeng pagkatiwalaan ng mga sikreto.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mas titindi ang nararamdamang pisikal na atraksyon sa isang ka­kilala. ‘Wag itong pigilan pero kung commited ka na, pag-isipang mabuti ang nararamdaman. Ayusin agad ang problemang ito para hindi maging mitsa ng hindi pagkakaunawaan. Lucky color: Gray, lucky number: 13

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Iwasang maging unrealistic pagdating sa mga expectation sa lovelife. Alalahaning walang taong perpekto. Tanggapin na meron ding mga negatibo na kapag nalagpasan ay magpapatibay sa pagsasama. Lucky color: Silver, lucky number: 47.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Posibleng ikonsidera ang isang bagong trabaho o bagong lilipatang tira­han. May kinalaman din ito sa isang nakaraan na gustong takasan. Hindi mo na ito makakalimutan kaya’t mas mabu­ting tanggapin. Lucky color: Violet, lucky number: 23.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magiging super abala sa araw na ito. Maraming taong kakausapin pero may isang mangingi­babaw para sa iyo. Huwag hadlangan ang mga posibilidad. Isang malapit na kaibigan ang may malaking maitutulong. Lucky color: Gold, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Posib­leng makagulo sa isip ang isang balita. Gayunpaman, may positibo itong epekto sa pang­kalahatan. I-enjoy ang mga napipintong trip sa malayong lugar. Lucky color: Green, lucky number: 15

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ‘Wag munang isipin ang sasabihin ng iba. Kumilos ayon sa mga plano. Kung may mababago man, ‘wag na itong seryoshin. Sadyang may mga bagay na wala sa iyong control. Lucky co­lor: White, lucky number: 39.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi malayong tuluyang matuon ang focus sa taong malapit sa puso. Hindi mo ito kagustuhan. May naghihintay na kapalaran sa inyong dalawa na hindi mo akalang magaganap. May malalimang pag-uusap na puwedeng mangyari. Lucky color: Gray, lucky number: 2.

SCORPIO (Oktub­re 23-Nobyembre 21) – May pagkaka­taong kapag pinipilit mong hanapin ang isang bagay ay lalo itong nagiging mailap. Ganito ngayon ang sitwasyon mo. ‘Wag malungkot dahil magbabago rin ang takbo ng pangyayari sa isang pikit-mata. Lucky color: Green, lucky number: 21.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – ‘Wag makunteno sa puwede na. Itaas ang goal pagdating sa relasyon. Kailangan mo ng heart to heart talk sa iyong partner. Kung gusto mong magtagal ang inyong samahan ay ikaw na ang manguna sa paglutas ng problema. Lucky co­lor: Yellow, lucky number: 30.

CAPRICORN (Dis­yembre 22-Enero 19) – Sundin ang isang importanteng utos. May matinding pressure su­balit hinid ito dahilan para sumuko. Panindigan kung ano ang tama. Lucky color: Violet, lucky number: 25.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Nara­ramdaman mong tila may hindi tamang nangyayari sa iyong harapan. At hindi ka makakilos ayon sa nais mo. Isang taong hindi mo inaasahan ang aalalay sa iyo para malagpasan ang problemang ito. Lucky color: Yellow, lucky number: 12.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Nasa posisyon ka ngayon para magalit. Ilabas lahat ng nakatagong emosyon. Pagkakataon mo na ito para malinawan sa matagal nang gumugulo sa isip. Hindi mo kailangang maging popu­lar sa lahat ng pagkakataon. Lucky color: Red, lucky number: 30.