Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/31/2018

187

Related imageRamon Magsaysay
(Former President of the Philippines)
Kaarawan:
Agosto 31, 1907

Ang mga lalaking Virgo ay kilalang mga praktikal, obser­vant at matulungin. Nasa personalidad nila ang maging perfect, maaasahan at tapat. Gayunman, hindi madali na mapalapit sa kanila. Isang mala­king challenge o dadaan sa matinding pagsubok bago mo makuha ang kanilang atensyon at pagtitiwala.

 

ARIES (Marso 21-Abril 19) – ­Iiral ang kapayapaan sa bahay. Kahit hindi mag-usap, iisa ang nasa isip ng mga tao sa iyong paligid. Alam nila kung ano ang dapat iwasan para hindi mairita ang ibang kasamahan. Lucky color: Black, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May dadaluhan na malaking okasyon. Makinig sa sinasabi ng kasama. Umupo muna at mag-relax. I-enjoy ang anumang nakikita sa iyong harapan. Lucky color: Green, lucky number: 43.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Isang malapit na kaibigan ang magbibigay ng regalo. Kahit na walang okas­yon, matutuwa ka sa sweetness ng taong ito. Bigyan ng oras at pagkakataon ang taong kumakatok sa iyong puso. ­Mahirap nang makakita ng mabait at maalalahanin pa. Lucky color: Silver, lucky number: 50.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Matalas ang pakiramdam. Isang hinala ang matutuklasang totoo. Mag-ingat sa isang topic na kumplikado. Ipagpatuloy ang nasimulang pagbabasa para sa dag­dag-kaalaman. Lucky color: Blue, lucky number: 46.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Masaya sa loob ng bahay. Magkakaunawaan ng mga dating kaaway. Kakaibang karanasan ang mararamdaman sa isang ­lugar. Samantalahin ang libreng oras sa araw na ito. Mag-enjoy. Lucky color: White, lucky number: 40.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May pupuntahang group event. Pag-uusapan ang pangarap ng iyong grupo. Matatag ang samahan kaya’t walang dapat ipag-alala. Biglang makakaramdam ng lungkot sa bandang gabi. Lucky color: Violet, lucky number: 3.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Mag-iiba ang takbo ng mga pangyayari. Matagal mo nang iniisip ang gustong pagbabago. Ngayon ang tamang panahon para magdesisyon. Malaking factor sa pagbabago ang iyong trabaho. Lucky color: Pink, lucky number: 28.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magagamit ang malakas na spiritual connection. Unawain ang pinagdaraanan ng ka-partner. Lahat ng hinihiling ay magkakaroon ng katuparan. Lucky color: Orange, lucky number: 29.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May hindi masusunod sa mga naunang plano. Maganda ang pakiramdam sa nangyayari sa buhay. Nasa gitna ng isang sitwasyon na kaila­ngan mong magdesisyon sa lalong madaling panahon. Lucky color: Silver, lucky number: 24.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Mami-miss ang mga kaibigan at mahal sa buhay. Nasa mood na mamasyal o kumain sa labas. Sa gabi, ­iukol naman ang oras para sa minamahal. Lucky color: Brown, lucky number: 16.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Malakas at feeling energe­tic. ­Unti-unti nang matatanggap ang mga bagay na nawala. Maraming puwedeng simulan. Matuto lang na mag-focus para makaabante na sa buhay. Lucky color: Maroon, lucky number: 30.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Bumubuti na ang relasyon. Mas attentive ka ngayon sa pangangailangan ng ka-partner. May mabubuong kasunduan na lalong magpapatibay ng pagsasama. Lucky color: Yellow, lucky number: 11.