Abante Tonite Interactive

Horoscope 08/31/2019

247

Rachelle Ann Go
Kaarawan: Agosto 31, 1986

Masyadong transparent sa kanyang emosyon. Wala siyang itinatago sa kanyang pagkatao kumbaga isa siyang bukas na libro para sa lahat. Hindi lahat ng tao ay kaya siyang unawain. May ilan na ang tingin sa kanila ay weird dahil may kakaiba sa kanya na tanging siya lamang ang nagtataglay.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Mabilis kang magdesisyon lalo na kung ikaw mismo ang makakaramdam kung okay o hindi ang isang bagay. Mag-isip muna ng ilang araw para sa isang desisyon, Mas maiiwasan mo ang mga aberya kung planado ang lahat. Lucky color: Brown, lucky number: 2.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi masamang makipagdiskusyon kung meron kang gustong ipunto. Hindi man mapagbigyan ang nais mo, may matututuhan ka naman sa mga paliwanag ng iba. Pakinggan ang magkabilang panig. Lucky co­lor: White, lucky number: 19.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Ikaw ang mananalo sa laban. Ang inaakala mong matikas na kalaban o karibal ay magiging isang malapit na kaibigan. Kung may problema sa loob ng bahay, nga­yon din ang oras para resolbahin ito. Lucky color: Blue, lucky number: 23.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mara­ming pumapasok sa isip mo na dapat mong pag-ukulan ng pansin. Dito mo malalaman kung tama ang mga plano. Hindi pa naman huli kung magkakaroon ng pagbabago o adjustment. Makipag-usap sa isang taong pinagtitiwalaan. Lucky color: Orange, lucky number: 11.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Ang pagbabago ay sa iyo rin magmumula. Kung hindi mo ito papayagan, hindi ito magkakaroon ng pagbabago sa iyong buhay. Malaki ang tsansang mapasakamay na ang hinihintay na tulong. Lucky color: White, lucky number: 30.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mas gusto mo ngayong makipagsaya kaysa makipag-usap nang seryosohan. Hindi naman masamang pagbigyan ang sarili. Bigyan ng magandang sopresa ang minamahal. Ngayon ka bumawi sa mga pagkukulang. Lucky color: Violet, lucky number: 49.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Pa­milyar ang lugar na pinuntahan. Mas relaks ang iyong isip at katawan. Ito na ang pagkakataon na matagal mo nang hinahanap. Siguraduhin lamang na natupad mo ang isang pangako. Lucky color: Silver, lucky number: 45.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isang tao ang may kakaibang gusto sa buhay ang makakasalamuha. Bigyan siya ng atensyon at makikita mong may kailangan ka pang gawin sa buhay mo para ganap na maging masaya. Ma­ging open sa mga posibilidad. Lucky color: Gold, lucky number: 4.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Oras na para sabihin ang isang impormasyon na kailangan mo. Isang malapit na kaibi­gan ang makakagawa ng hindi maganda sa iyo. Ikaw na ang magdesisyon kung papatawarin ito o lalayo ka na lang. Lucky color: Green, lucky number: 57.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi mo kailangang makipagsabayan sa mga kaki­lala o kaibigan na masyadong level up ang antas ng pamumuhay. Makuntento sa kung anong mayroon ka. Mas magiging masaya kung totoo sa iyong sa­rili. Lucky color: Maroon, lucky number: 33.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May tendency ka ngayon na magmadali dahil sa hindi natapos na work. Easy ka lang. Mas lalo kang matataranta. Mas mabuti na umupo muna sa tabi at huminga nang malalim. Mas makabubuting namnamin mo ang bawat sandali para mas ma-appreciate ang bawat nararanasan. Lucky color: Gray, lucky number: 34.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Dala­wang direksyon ang komunikasyon. Hindi puwedeng ikaw lamang ang nagsasalita, kailangang makinig ka rin. Hindi mo makukuha ang inaasam kung may napipilitan. Lucky color: Gray, lucky number: 22.