Abante Tonite Interactive

HOROSCOPE 09/01/18

89

Ariel Rivera
(Actor/singer)
Kaarawan:
Setyembre 1, 1966
Seryoso sa pagtupad ng responsibilidad. Laging prayoridad ang kapakanan ng pamilya, kaibigan, mga kasamahan sa trabaho at komunidad. May taglay na telento sa kahit anong larangan na papasukin. Masaya kapag nakakatulong sa kapwa.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Isang taong puro salita pero kulang sa gawa ang puwede mong makabangga. Mag-ingat sa taong ito dahil kaya ka niyang sirain. Huwag maniwala sa maling katwiran. Lucky color: Brown, lucky number: 14.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Samantalahin ang araw na ito para talakayin ang isang isyung matagal nang nakakagulo sa iyo. Hanggang hindi ito nareresolba, mahihirapan kang maka-move on. Maging kampante sa gustong sabihin. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maging confident sa sarili. Madaling matatanggap sa trabaho kung magpapakitang gilas. Gamitin ang araw na ito para itama ang mga nagawang pagkakamali. Huwag mangako nang hindi mo kayang tuparin. Lucky color: White, lucky number: 3.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mag-i­ngat sa mga taong nasa paligid mo. May isang puwedeng magsamantala sa tiwalang ibinibigay mo. Maging alerto sa mga taong hindi lubusang kilala. Lucky color: Brown, lucky number: 19.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Tiyakin ang hakbang na gagawin. Isipin muna ang sasabihin. Matutuwa sa sopresang regalo. Chill lang muna kahit may problema. Lucky color: Gray, lucky number: 1.

AQUARIUS (January 20-February 18) – May hatid na hamon ang pagkumbinsi sa kaibigan na ngayon mo lang ulit nakita. Gamitin ang iyong karisma para makuha ang kanyang tiwala. Lucky color: Maroon, lucky number: 42.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Ma­raming tao ang naniniwala sa kakayahan mo kaya ipakitang may tiwala ka rin sa sarili mo. Huwag palagpasin ang oportunidad. Hindi agad makukuha ang gusto sa isang iglap. Lucky color: Pink, lucky number: 21.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – May hatid na problema sa pananalapi. Iwasang makapagbitiw ng masakit na salita sa iyong partner. Lawakan pa ang pang-unawa. Bigyan ng second chance ang taong nagkamali. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Pinapaboran ang anumang pakikipagrelasyon. Kung sa romansa, ang mga pahaging at palipad-hangin sa mga nagdaang araw ay magpapakita na ng positibong resulta. Tumawa ng malakas kung masaya ngayong gabi. Lucky color: Green, lucky number: 6.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Sa pagtatapos ng isang lumang kabanata, pasok na agad ang bagong chapter ng buhay mo. Mag-enjoy sa mga parating na pangyayari. Mag-stick sa isyu para hindi ma-disappoint. Lucky color: Blue, lucky number: 14.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Isang pagbabago ang magbibigay sa iyo ng oportunidad para makapagpahinga pansamantala. May kailangan ka ring ayusin sa aspeto ng pakikipagkomunikasyon. Lucky color: White, lucky number: 7.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Isang kapamilya ang maaaring may dinaramdam. Bigyan ito ng time para matulungan. Kailangan niya ang iyong atensyon. Posible ring magkaroon ng kalituhan sa trabaho. Kalma lang. Lucky color: Orange, lucky number: 44.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Isang lalaking kasamahan sa trabaho ang panggulo sa araw mo. Sa halip na patulan, iwasan na lamang ang taong ito. Daanin siya sa diplomasya para hindi masira ang diskarte. Kaunting pasensiya sa mangyayaring gulo. Lucky color: Red, lucky number: 15.