Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/02/2018

By
216

ARIES (Marso 21-Abril 19) –Pigilan muna ang sarili sa bagay na gustong bilhin. Pag-isipang mabuti ang paggagamitan ng pera. Maging malumanay sa pagsasalita. Lucky color: Blue,lucky number: 16.Pigilan muna ang sarili sa bagay na gustong bilhin. Pag-isipang mabuti ang paggagamitan ng pera. Maging malumanay sa pagsasalita. Lucky color: Blue,lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magbigay ng pangaral sa kasamang naliligaw ng landas. Baka ikaw ang pakinggan kaya’t huwag magsawang magpaalala. Diretsahin ang kausap sa gustong sabihin. Lucky color: Gray, lucky number: 28.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Matutong magpakumbaba. ‘Wag idaan sa init ng ulo ang galit. Mas maaayos ang gulo kung magiging kalmado. Lucky color: Orange, lucky number: 43.

Abante Hiring – IT dep

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Huwag bilangin ang mga gagawin. Matutong magkusa kung alam mo na kailangan mong tumulong. Tama na ang kadramahan para hindi kainisan. Lucky color: Gray, lucky number: 21.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) –Kaunting tiis. Hindi sa lahat ng oras ay mahihirapan ka. Makakamit din ang tagumpay o suwerte na inaasaman. Lucky color: Green, lucky number: 30.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Bantayang mabuti ang mga gamit. Magiging alas ang bagay na matagal nang itinatago. May tamang panahon para ilabas ang mga sikreto sa buhay. Lucky color: Red, lucky number: 10.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Biglang makakaramdam ng lungkot. Mag-isip ng magagandang bagay. Huwag masyadong seryosohin ang problema. Lahat ng tao ay dumadaan sa pagsubok. Lucky color: Silver, lucky number: 12.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Magpa­salamat sa maraming blessing. Maraming makakapansin sa kakaibang glow. I-focus muna ang isip sa ibang bagay para mabawasan ang dinadalang sama ng loob. Lucky color: Gray, lucky number: 56.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Hindi mo kailangang magmakaawa. Bigyan ng pride ang sarili. Isantabi muna ang anumang galit. Dapat maging kalmado kahit na nagmamadali. Lucky color: Gold, lucky number: 3.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Alisin ang hindi magandang iniisip. Magpahinga kung parang nanlalata o pagod. Kailangang maging malinaw ang isip bago gumawa ng desisyon. Lucky color: Pink, lucky number: 49.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Tumbukin agad ang gustong sabihin. Maging mapili sa kakaibiganin. Mahirap mabiktima ng pekeng kaibigan. Lucky color: Yellow, lucky number: 8.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Magiging masalimuot ang araw. May isang tao na mangungulit. Kung hindi makaiwas, ikaw na muna ang lumayo. Mahirap nang madamay sa sitwasyon na hindi ka naman kasali. Lucky color: Brown, lucky number: 33.