Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/03/2018

By
111

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May conflict lalo na bandang umaga. Maayos ang mood. Ma­ging reyalistik sa mga gagawing hakbang. Aminin ang totoong sitwasyon ng pagsasama. Lucky color: Yellow, lucky number: 3.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Magulo ang isip. Piliting kumalma kung may nararamdamang takot. Unti-unting lilinaw ang lahat sa bandang hapon. May good news na paparating. Lucky color: Gray, lucky number: 22.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Matutuwa sa isang magandang balita. Huwag ikalaki ng ulo ang papuri na natatanggap. Kausapin ang taong lumalapit sa iyo. Magplano ng mga gagawin. Lucky color: Green, lucky number: 7.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – ­Maging concerned sa nangyayari sa paligid mo. Huwag idaan sa galit kung hindi nasunod ang gusto. Magugulat na lang dahil nalutas na ang iniindang problema. Lucky color: Violet, lucky number: 43.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Huwag pi­gilin ang pag-agos ng emosyon. Samantalahin ito para kumalma at mag-relax. Mas magiging masaya kung magaan ang pakiramdam. I-appreciate kahit ang maliliit na bagay. Lucky color: Blue, lucky number: 7.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – ­Itulog ang nararamdamang pagod. Kumain ng breakfast at mag-relax sa umaga. Sa bandang gabi, magiging malakas ang pakiramdam. Lucky color: Violet, lucky number: 33.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – ­Alagaan ang sarili. Mag-reflect sa bandang hapon. Ipunin ang mga bagay na gustong sabihin. Ma­ging flexible sa mga inuutos sa iyo. Lucky color: Gold, lucky number: 22.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Lumapit sa tubig para mas manaig ang elementong ito sa buong araw. Yakapin ang biglang pagbabago ng kapaligiran. Maging totoo sa sarili lalo na sa larangan ng pag-ibig. Lucky color: Blue, lucky number: 9.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) –Pupurihin. Ito ang magiging happy thoughts sa buong araw. Hindi mo kakayanin ang trabaho na mag-isa. Huwag mahiyang magpa­tulong sa mga kasama. Lucky color: Violet, lucky number: 55.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Malulungkot sa biglaang pangyayari. Mahihirapang maka-relate sa mga taong may kakaibang prinsipyo. Babalik ang magandang mood sa bandang gabi. Lucky color: White, lucky number: 16.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ­Ilabas ang mga nakatagong emosyon. Gamitin ang energy sa positibong paraan. Tapusin ang mga bagay na hindi nagawa kahapon. Lucky color: Silver, lucky number: 17.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mistulang pinagkakatuwaan ng mga kasama. ­Magiging masaya kung gugustuhin mo. Walang dapat ipagselos dahil ikaw pa rin ang nasa puso ng ­kasuyo. Magtiwala sa kanyang salita. Lucky color: ­Maroon, lucky number: 7.