Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/03/2019

541

Grace Poe
Kaarawan:
Setyembre 3, 1968

May makalumang paniniwala sa larangan ng pag-ibig. Mas gusto niya ng routine. Madali siyang mataranta kapag maraming nakaatang sa kanya sa responsibilidad. Hindi palalampasin ang anumang pagkakamali na nangyayari sa kanyang paligid.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Nararamdaman mong hindi lahat ng sinasabi sa iyo ay totoo. Ikaw mismo ang makakatuklas na may nangyaya­ring hindi maganda sa iyong likuran. Nasa iyo ang pagkakataon para alamin ang tunay na nangyayari. Lucky color: Red, lucky number: 34.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Kung inakala mong lahat ng problema ay naayos na, hindi pa lubusan dahil may mga naiwan pang maliit na detalye na hindi nalulutas. Ang hinihintay mong sen­yales para ituloy ang plano ay nakabitin pa rin. Maghintay pa ng ilang araw. Lucky color: Yellow, lucky number: 13

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Hindi kailanman naging mahirap para sa iyo ang magsa­lita. Importanteng pag-isipan mo munang mabuti ang mga hakbangin. Hindi uubra ang padalos-dalos na desisyon at aksyon. Lucky color: Violet, lucky number: 40.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Kung hindi ka sigurado sa gagawin o sa pupuntahan mo, hindi masamang huminto ka muna at pag-isipan ang mga susunod na hakbang. Mas mabuti nang ngayon ka mag-isip kaysa magmadali at mag-rush. Lucky color: Brown, lucky number: 50.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang indibid­wal ang higit na may katwiran. Hindi ito nangangahulugang mas magaling na siya sa iyo. ‘Wag mawalan ng kumpiyansa sa sarili para hindi madiskaril sa ginagawa. Lucky color: Maroon, lucky number: 32.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Isang kaibigan ang may gustong iparating pero hindi makalapit. Kung nararamdaman mo na ito, ikaw na ang maunang magbukas ng usapin. Lumapit na ngayon at makipag-usap. Lucky color: Silver, lucky number: 23.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Bihira kang humingi ng advice pero sa araw na ito ay kailangan mo. May malaking problema na kailangang lutasin sa lalong madaling panahon. Importanteng pakinggan mo ito at ikonsidera. Lucky color: Silver, lucky number: 15.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – May ilang taong ugali na ang mang-agaw ng kredito at mas mabilis din silang dumistansya kung sa tingin nila ay may kapalpakang nangyayari. ‘Wag mong gayahin ang mga taong ito at matutong tumanggap at umamin sa kamalian. Lucky color: Blue, lucky number: 19

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Habang pilit mong inihahanap ng kasagutan sa isang tanong, lalong nagiging mailap ang inaasam na katangian. Mas makabubuting idistansya muna ang iyong sarili sa barkada. Mahirap madamay sa gulo. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Hindi ka sumusuko gaano man ka-challenging ang isang sitwasyon. ‘Wag saluhin ang problema ng iba. Matutong dedmahin ang mga bagay na hindi ka naman kasali. Lucky color: Gold, lucky number: 34.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Walang dahilan para patuloy mong itago ang nararamdaman. Ilabas na ito at iparamdam. Tataba ang puso kapag narining ang hinihintay na sagot. Hindi ito maitatago sa iyong mga ikinilos sa mga nagdaang araw. Lucky color: Silver, lucky number: 8.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Mahihirapan kang makipag-usap ngayon sa mga taong nakatataas sa iyo ng posisyon. May sarili kang mundo na ikaw lang ang nakakaalam. Sarilinin na lamang ang opinyon na hindi maiintindihan ng lahat. Humanda sa mga kritisismo. Lucky color: White, lucky number: 12.