Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/04/2018

187

James Younghusband

Kaarawan: September 4,1986

Marami sa mga lalaking Virgo ay mahiyain. Malakas ang karisma kaya mabilis na nakakalusot sa mga sitwasyon na alanganin. Mas gusto nilang magtrabaho nang malaya. Mayroon silang natatanging kaalaman na exceptional kaya naman angat sa iba ang kanilang mga trabaho.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May gustong gawin pero natatakot. Ngayon ang tamang oras para umpisahan na ito. Tawagan ang pinagkakatiwalaang kaibigan at sabihin sa kanya ang gagawin. Kunin ang kanilang opinyon. ‘Wag ma-disappoint. Lucky color: Gray, lucky number: 1.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ngayon ang tamang oras para sumali sa mga group activity. Ipaalam sa mga kasama kung ano ang nasa isip. May invitation sa bandang gabi. Mawawala ang mga isyu sa mga sakit, biglang babalik ang dating lakas. Lucky color: Blue, lucky number 8.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May lugar na gustong puntahan. May ­pakay dito na mahirap kalimutan. Bago mabago ang mood, tapusin agad ang mga nabitin na trabaho. Ihanda ang sarili sa isang bagong lugar na tahimik. Lucky color: White, lucky number: 40.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – May dalawang panig na kailangang balasehin. Bawasan ang pagiging agresibo. Lawakan ang pasensya at huwag magpasakop sa maling landas. Gawin ang mga bagay para makaabante na ulit. Lucky color: Silver, lucky number: 13.

Related Posts

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May pumipigil sa iyong emosyon. Piliting maging relax at kalmado. Mahirap kang matalo dahil alam mo ang totoo. Mas panindigan ang tama dahil ito ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Lucky color: Red, lucky number: 21.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Matulog nang sapat sa oras. Sa ibang araw na gawin ang hindi kaya ngayon. Makipagkuwentuhan. Kailangan mo ngayong tumawa at malibang. Lucky color: Maroon, lucky number 6.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Asikasuhin ang sarili sa umaga. May tensyon na maaaring pagdaanan pero ang sitwasyong ito rin ang magiging dahilan para tuluyang mailabas ang stress na matagal nang dinadala. Tutukan muna ang lovelife na matagal nang napabayaan. Lucky color: Orange, lucky number: 33.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Ang masakit na bahagi ng iyong nakaraan ang patuloy na nagpapabigat sa iyong emosyon. May pagkakataon ngayon para tuluyang makawala rito. Maging totoo sa sarili para tuluyang maka-move on. Lucky color: ­Yellow, lucky number: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May iniindang sakit. Magiging sobrang emosyonal sa araw na ito. May pagkakataon nga­yon para tuluyang makawala sa kinasadlakang sitwasyon. Tulungan ang sari­ling maka-move on. Lucky color: Green, lucky number: 40.

CAPRICORN (Disyembre 22-­Enero 19) – May isang tao na gusto kang impluwensyahan. May makikita sa isang tao na madalas kasama. Matutuwa sa biglang bisita sa bahay. Lucky color: Brown, lucky number: 40.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kontrolin ang emosyon. Kung nararamdaman mong hindi ka pa handa, ‘wag munang pilitin ang sarili. May tamang panahon para mag-focus sa lovelife. Lucky color: Silver, lucky number: 3.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Kumain ng madami. Mahirap mag-isip kapag walang laman ang tiyan. Iwasan munang itaas masyado ang ekspektasyon. Gawin ang iyong best at hintayin ang resulta. Lucky color: Brown, lucky number: 11.