Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/05/2018

By
286

Amy Perez
Kaarawan:
Setyembre 5, 1969

Karaniwan sa mga babaeng Virgo ang pagiging observant, realistic at trust­worthy. Ayaw nila ng maraming tao. Mas gusto nilang mapag-isa o kasama ang ilang malalapit at mapagkakatiwalaang kaibigan. Misteryoso at pinapa­ngatawanan ang sariling prinsipyo sa buhay.

 

 

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Matindi ang stress sa trabaho. Sasakit ang ulo at tataas ang ­presyon kapag hindi nag-ingat. Huwag mas­yadong puwersahin ang sarili. Magpahinga kahit sandali at huwag kalimutang kumain. Lucky color: Violet, lucky number: 30.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Masu­werte sa araw na ito. Magiging maayos ang takbo ng pagsasama. Tapusin ang nakabitin na trabaho. Simulan na ang bagong proyekto. Mas lalong lumalalim ang emosyon sa ka-partner, ­huwag pi­gilan ang sarili. Lucky color: Yellow, lucky number: 45.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May biglaang bisita. Huwag mabigla kung gusto nitong tumira sa iyo. Pag-usapan itong mabuti at idaan sa diplomasya para hindi mauwi sa argumento. Iwasang maglabas ng pera sa araw na ito. Lucky color: Gold, lucky number: 45.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mara­ming gawain sa bahay na kailangang tapusin. May good news ang isang kaibigan. May bubuksan na bagong negosyo. Ilang kamag-anak ang biglang magpaparamdam. Maghanda ng masarap na meryenda. Lucky color: Peach, lucky number: 11.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Planu­hing mabuti ang paggagamitan ng inipon na pera. Kung hindi pa handa, pag-aralan muna ang business kung paano ito paiikutin at papalaguin. Oras na para dagdagan ang kaalaman sa pagnenegosyo. Lucky color: Silver: lucky number: 33.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – May problema ang kasuyo sa ilang kaibigan. Ipakita ang iyong suporta. Kausapin ito at payuhan ng mga tamang gagawin. Lucky color: White, lucky number: 15.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Hindi makakauwi nang maaga. Mauubos ang oras sa isang project. Makinig sa isang matandang payo. Magiging fruitful ang araw dahil sa sobrang kasipagan. Lucky color: Pink, lucky number: 12.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Yayayain ng mga kaibigan na mamasyal. Good timing para mag-outing. Sobrang dibdiban sa ­trabaho kaya mag-relax naman. Male-late sa usapan dahil sa biglaang bisita. Lucky color: Green, lucky number: 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Halos hindi makahinga sa dami ng trabaho. Kaysa magreklamo, mas mabuting ipikit ang mga mata at huminga nang malalim. May katapat na pabuya o cash gift ang trabaho na matatapos nang maayos at sa takdang oras. Lucky color: Orange, lucky number: 18.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Feeling sexy at espesyal sa araw na ito. Buksan ang linya ng komunikasyon. May mga taong gustong lumapit at makipagkilala. Magplano ng dinner date para sa minamahal. Lucky color: Blue, lucky number: 24.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – ­Walang ibang nasa isip kundi ang problema sa pinansyal. Huwag magpanik dahil may darating na bagong trabaho. Kung anuman ito, dito ibuhos ang oras at galing para malutas na ang problema. Lucky color: Green, lucky number: 3.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Limi­tado ang oras sa bahay. Mas maraming dapat ­ayusin sa labas. Hatiin ang oras para hindi masyadong mapagod. Kung may extra time, gamitin ito para sa sarili. Kailangang magsaya pagkatapos ng nakakapagod na trabaho. Lucky color: Maroon, lucky number: 10.