Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/07/2019

0 243

Neri Naig
Kaarawan:
Setyembre 7, 1985

Masipag at puno ng diskarte sa buhay. Hindi sila napapagod sa pag-iisip ng mga bagong ideya. Sadyang likas sa kanila ang pagiging masikap kaya naman hindi sila hinihiwalayan ng suwerte

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Pagkatapos ng lahat na pinagdaa­nan mo, makakaya mo na ang maliliit na dumarating. Pakiramdam mo ay pinatatag ka na ng tadhana para sa isang malaking sopresa. ‘Wag kontrahin ang suwerte. Lucky color: Gold, lucky number: 29.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Bago ka magmahal ng iba ay kailangan mo munang mahalin ang sarili mo. ‘Wag maging harsh dahil alam mo na marami ang nagmamahal sa iyo. Sila ang unang nasasaktan sa iyong mga kabiguan. Lucky color:­ Black, lucky number: 20.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Sa wakas ay magkakaroon na rin ng solus­yon ang matagal mo ng pinoproblema sa iyong boss. Sa kabila nito ay mananatili ang ilang gusot sa trabaho. Tiyaga lang at lilipas din ang lahat. Lucky color: Pink, lucky number: 17.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Magiging mailap sa’yo nga­yon ang pera. Kakai­l­anganin mong magti­pid ng doble sa ginagawa mo dati. ‘Wag abutin ang hindi mo kaya. Matutong makuntento sa anumang dumara­ting. Lucky color: Yellow: lucky number: 10.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kahit na anong gawin mo ay hindi mawawala sa isip mo ang dati mong pag-ibig. Ito ay dahil nakaukit na siya sa puso mo. Matutong tanggapin ang kapalaran para bumalik ang dating sigla. Lucky color: Blue, lucky number: 29.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Hindi mo kailangang solohin ang problema. May pamilya kang handa kang suportahan. Huwag mo silang balewalain ang kanilang mga paalala. Lucky co­lor: Green, lucky number: 16.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Huwag ka munang magbibilang ng sisiw hangga’t hindi pa ito napipisa. Ang kailangan mong gawin ay pagbutihan ang trabahong nakatoka sa’yo nga­yon. Magpokus dito kung gusto mong ma-promote. Lucky color: Red, lucky number:12.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maging matalino sa pagpili ng mga kaibigan. Hindi lahat ng nakangiti sa’yo ay mabuti na sa’yo. May mga kaibigan kang nakamaskara at nagpapanggap. Talasan ang pang-amoy.­ Lucky co­lor: ­Violet, lucky number: 39.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22- Disyembre 21) – Makakaramdam ka ng takot na harapin ang katotohanan sa nga­yon. Sa halip na matakot ay tatagan mo pa ang iyong loob at ilabas ang natatagong lakas. Wala kang hindi makakaya basta’t magtiwala sa sa­rili. Lucky co­lor: Silver, lucky number: 45.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Huwag mong pa­ngarapin ang bagay na hindi sa’yo lalo na ang isang tao na pag-aari ng iba. Walang forever­ sa mundo pero hindi ibig sabihin nito ay dapat mo ng ikasiya ang kalungkutan ng iba. Matutong makisimpat­ya. Lucky color: White, lucky number:15.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Maaaliw sa isang kuwento. Hindi mo mapapansin na pinagmamasdan ka na niya gayundin ang bawat kilos mo’t galaw. Para siyang nahihipnotismo sa’yo. Lucky color: Orange, lucky number: 64.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Patawarin ang isang tao na nagkasala sa’yo. Minsan mo na rin siyang nasaktan kaya’t ikaw naman ang magparaya sa nga­yon. Likas ang pagiging malambot ng iyong puso at dahil dito lalo kang mapapamahal sa taong ito. Lucky color: Gray, lucky number: 19.