Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/08/2018

276

Renz Fernandez
Kaarawan:
Setyembre 8, 1985

Matulungin at maawain. Hindi titigil hangga’t hindi nakakamit ang mga pangarap. Isang perfectionist at madalas na ‘on time’ sa kanyang mga appointment. Malinis sa gamit gayundin sa bahay. Kahit na mahaba ang pasensiya, kilala ang mga lalaking Virgo na mga pranka at masakit magsalita lalo na sa taong sinungaling.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – May good news mula sa business partner. Gaganahan lalo sa trabaho dahil sa magandang balita. Maging tapat sa salita at gawa. Huwag itago ang nara­ramdaman. Maging open at maaayos din ang lahat. Lucky color: Yellow, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Good day para humingi ng dagdag-sahod. Ibibigay naman ito ng iyong mga boss na nasa good mood. Pag-aralan ang posibilidad na investment. Magpalipas muna ng isang linggo bago gumawa ng desisyon. Lucky color: Gray, lucky number: 30.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Mara­mi ang mapapalingon sa iyo dahil sa kakaibang glow. Inspirado dahil sa magandang takbo ng lovelife. Lalabas ang pagiging malikhain na magbibigay sa iyo ng job opportunity. Lucky color: Maroon, lucky number: 19.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Parang gusto mong tumakas. Magplano ng bakasyon kasama ng mga mahal sa buhay. May gusto kang mangyari na hindi mo masabi. Pagbigyan ang sarili sa mga kakaibang gusto. Lucky color: Brown, lucky number: 2.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – May kaibigan na biglang tatawag. Mag-enjoy sa labas ng bahay. Alisin ang mga haka-haka sa isip. Ikakagulat ang biglang takbo ng mga pangyayari. Lucky color: Red, lucky number: 10.

Related Posts

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Mapo-promote sa trabaho. Pansinin ang mga signs na matagal nang hinihintay. Ikaw lamang ang makakaunawa sa problema ng pamilya. Mas mabuting makipag-usap sa kanila bago ka umalis. Kailangan ang iyong mabilis na desisyon at aksyon. Lucky color: Silver, lucky number: 43.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Malayo ang takbo ng isip. Maraming trabaho na darating sa iyong harapan. Ikaw na lang ang mamimili kung alin ang gustong tanggapin. Lucky color: White, lucky number: 41.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Maging alerto sa mga premonisyon at panagi­nip. Nasa high level ang intuition. Huwag mag-panic dahil maraming mensahe ang ipaparating sa iyo. Alamin muna ang katotohanan ng mga balita. Lucky color: Silver, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – May imbitasyon sa isang party. May makikilala na bagong mga kaibigan. Uminom ng vitamins para hindi mabilis mapagod. Lucky color: Orange, lucky number: 20.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Malaki ang posibilidad na magkasakit sa araw na ito. Lumayo sa mga taong matamlay dahil baka dito ka pa mahawa. Ayusin ang relasyon sa mga kasamahan para mas gumanda at uma­yos ang iyong trabaho. Lucky color: Gold, lucky number: 6.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – May bagong hobby na pagkakaabalahan. Maglalakbay sa malayong lugar. Makakakilala ng taong may mataas na pinag-aralan. Makipagkuwentuhan sa kanila para matuto. Gagana ang kaisipan sa mga bagong kaalaman. Lucky color: Violet, lucky number: 47.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May matinding panaginip. Kakaibang lakas ng katawan ang mararamdaman. Hinay lang sa pagkain ng madami. Mapapagod na puwedeng mauwi sa pagkakasakit. Lucky color: Blue, lucky number: 39.