Abante Tonite Interactive

Horoscope 09/08/2019

0 372

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Makakarelaks sa iyo ang pagsama sa mga kaibigan ngayon. Maraming puwedeng gawin at puntahan para makapag-enjoy. Hindi naman ng lahat ng pagsasaya ay kailangang maging magastos. Lucky color: Gray, lucky number: 16.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – May isang paghamon sa iyong kakayahan. Hindi mo kailangang limitahan ang sarili mo. Kaya mo itong malagpasan basta’t pagsikapan. Sa pakikipag-usap, isang mensahe ang hindi mo magugustuhan pero iwasang idamay pati ang naghatid ng balita. Lucky color: Black, lucky number: 30.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Dagdag tensyon sa iyo ang ilang kaibigan na pasaway. Hindi masamang dumistansya muna kahit sandal. May mga pinagdaraanan ka na ikaw lamangang dapat na lumutas. Lucky color: Red, lucky number: 5.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Tapusin na ang matagal nang problema. May sorpresa ring hatid ang araw na ito na maaaring magpasaya sa iyo. Pero sadyang may mabigat na dinadala na kailangan nang ikonsulta muna sa pinagtitiwalaang kaibigan upang walang pagsisihan. Lucky color: Blue, lucky number: 34.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Isang malaking plano ang hindi uubra. ‘Wag na itong ipilit para hindi ka masaktan. Subukan munang gumawa ng ilang adjustment baka meron ka pang mai­salba. Malaki ang impluwensyang iniiwan mo sa bata kaya’t ingat sa kilos at salita. Lucky color: maroon, lucky number: 3.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Masyadong unpredictable ang takbo ng iyong lovelife. Iwasan ang pagtatalo. Magiging mitsa lang ito ng matinding galit na posibleng mauwi sa hiwalayan. Lucky color: Blue, lucky number: 8.

Related Posts

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Kung hindi matibay ang pundasyon ng iyong pakikipagrelasyon, may posibilidad na tuluyan itong magiba sa mga susunod na araw. Kung importante sa iyo ang partner mo, itodo ang effort para maisalba ang relasyon. Lucky color: Maroon, lucky number: 54.
SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Huwag gumawa ng anumang hakbang na hindi ka sigurado. Tiisin muna ang sarili pagdating sa mga gusto mong bilhin. Importanteng magtipid para sa isang malaking pagkakagastusan sa hinaharap. Lucky color: Violet, lucky number: 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Posibleng tuluyang maputol ang isang pagkakaibigan kung hindi mo kokontrolin ang bugso ng emosyon. Umiwas sa drama. Mas kailangan mo ngayon ng mahabang pasensya. Lucky color: Yellow, lucky number: 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-Ene­ro 19) – Marami nang drama ang iyong dinaanan at hindi mo na ito dapat pang dagdagan. May tensyon sa loob ng bahay. ‘Wag nang sumawsaw sa isyu kung wala ka naming kinalaman. Lucky color: Orange, lucky number: 6.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Mabilis ka ngayong mag-isip at tila wala kang nararamdamang pagod. Samantalahin ang ganitong mood para umpisahan ang isang importanteng plano. Magpasalamat sa mga blessing na matagal mo nang hindi ginagawa. Lucky color: White, lucky number: 50.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Nakaka-bore para sa iyo ang anumang routine. May pagkakataong magsaya at magrelaks ngayon. Makatutulong ito para ma-refresh ang isip dahil mapapasabak ka sa mga susunod na araw. Lucky color: Brown, lucky number: 7.